Maris Racal super happy sa bagong business venture sa La Union: May coffee shop na ako! Thank you God for this blessing!

Maris Racal super happy sa bagong business venture sa La Union: May coffee shop na ako! Thank you God for this blessing!

PHOTO: Screengrab from Facebook/Maris Racal

Na-INSPIRE kaya si Maris Racal nang makita niyang boom ang mga negosyo sa La Union kaya nagtayo siya ng sariling coffee shop?

Ilang linggo rin kasing nanatili sa ELYU (tawag sa lugar) si Maris nang mag-shooting sila ng aktor na si Carlo Aquino ng series nilang “How to Move On in 30 Days” produced ng ABS-CBN at YouTube na ipinalabas noong 2022.

Sa kwento kasi ay umuwi ng La Union si Maris sa lola para makalimot dahil nga hiniwalayan siya ng boyfriend niya.

Dagsa na ng turista ang ELYU lalo na sa mahilig sa surfing kaya biglang dumami na ang negosyong itinayo roon.

Anyway, nag post ang singer-actress sa kanyang Facebook account kahapon ng hapon, August 25, na may nakalagay na, “MAAA! MAY COFFEE SHOP NA AKO SA LA UNION!

Sana mabisita niyo kami! Located at Port San Juan, La union!  Thank you God for this blessing!”

Baka Bet Mo: Sue Ramirez iginiit na ‘close’ pa rin sila ni Maris Racal: Porke ‘di nagkikita ‘di na magkaibigan?

Base sa video na napanood namin ay ang ganda ng disenyo ng building ng coffee shop ni Maris na parang cruise ship ang mga bintana dahil bilog-bilog ito.

Eevated din ito na may maluwang na hagdan sa gilid ng building papasok sa 2nd floor dahil ang harap ay para sa take-out delivery na may nakalagay na “order coffee here.”

Pagpasok sa loob ay napaka-cozy at bago ka uli umakyat sa susunod na palapag ay may malaking painting na may nakalagay na “Yayoi Kusama,” kilalang Japanese contemporary artist at siya rin ang nasa painting.

Ang pangalan ng coffee shop ni Maris ay SOC STREAM OF CONSCIOUSNESS at ang sine-serve bukod sa kape mga pagkaing Thai, Indian, Italian, Oysters, Kambingan, Smoothie, Sausages, Dimsum, Wings at Inasal base sa nakalagay sa isang gilid ng wall.

As of this writing, umaani na ng mahigit 40,000 views ang video, mayroon na rin itong 863 comments at 798 shares and still counting.

Mababasa sa comment section na marami ang nag-congratulate kay Maris sa bago niyang negosyo at nagsabing dadalawin siya roon.

Pakiwari namin kapag walang trabaho si Maris dito sa Maynila ay maglalagi siya sa ELYU para personal niyang pamahalaan ang nasabing coffee shop.

Related Chika:

Claudine super proud sa mga anak, nakapagpatayo na ng sariling coffee shop

Read more...