Birhen, 28-anyos (2)

Sulat mula kay Divina ng Initao, Misamis Oriental
Problema:
1.      Twenty-eight-years-old na po ako at hindi pa nagkaka-boyfriend.  Tuwing sumasapit ang mahahalagang araw, tulad ng Valentine’s Day, birthday ko at Pasko ay labis na kalungkutan ang nadarama ko.  Pero, minsan ay parang suwerte rin kasi napakahirap ng buhay ngayon at ayoko naman na ako ang bubuhay sa lalaki.
2.    Meron din namang nagpaparamdamdam at nanliligaw pero tinatapat ko sila kapag naramdaman kong hindi sila seryoso.  Ang masakit, kung sino pa ang may asawa na, siya pa ang malakas ang loob na manligaw.  Sa totoo lang, sa edad kong ito, hindi pa ako nahahalikan. Kaya ask ko sana kung sa taon kayang ito ng 2013 ay magkaka-boyfriend na ako? Kung magkaka-boyfriend ako sino siya at kailan ko po kaya siya makikilala?
Umaasa,
Divina ng Initao, Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing ang unang lalaking magiging boyfriend mo ay isang Virgo,  pero hindi mo siya makakatuluyan, sa halip ang makakatuluyan mo ay ang ikalawnag boyfriend mo na isang Cancer.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsang 19, ang magiging first boyfriend mo, ang eksaktong birthday ay September 19. Kung saan bago matapos ang taon ay  mabubuo ang isang mainit na relasyon.
Graphology
Ang iyong lagda na medyo magulo sa simula ay nagsasabing aabutin lamang ng ilang buwan ang ligawan.  Pero, may nakaambang hindi matutuloy ang pag-iibigan.  Gayunpaman, may susunod pang pagkakataon at dahil sa mabilis na pagdaloy ng mga araw ay baka mauwi na ito sa seryosong relasyon, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer.
Huling payo at paalala:
Divina, ayon sa iyong kapalaran, mapalad ka sa taon ito ng 2013 sapagkat dininig ng langit ang iyong hiling. Sa buwan ding ito baka magka-boyfriend ka hatid ng isang lalaking may initial na R.A., ngunit hindi siya ang makakatuluyan mo, dahil ang kapalaran ay di tuluy-tuloy.  Pero, muli kang magkaka-boyfriend at baka ito na ang matagal mo nang pangarap para makabuo ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Read more...