Award-winning veteran actress Angie Ferro pumanaw na sa edad 86

Award-winning veteran actress Angie Ferro pumanaw na sa edad 86, showbiz industry nagluluksa

Angie Ferro

NAGLULUKSA ang buong entertainment industry sa pagpanaw ng award-winning veteran actress na si Angie Ferro. Siya ay 86 years old.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng ilang malalapit na kaibigan ng beteranang stage, TV at movie actress sa pamamagitan ng kani-kanilang social media account.

Ayon naman sa ulat ng ABS-CBN, namaalam si Angie Ferro ngayong araw, Huwebes, August 17, base na rin sa pagkumpirma ng apo nitong si Lorelie Futol.

Nag-post naman sa Facebook ang theater director at musician na si Lutgardo Labad, na naging kasamahan ni Ferro sa Philippine Education Theater Association (PETA) ng kanyang mensahe para sa yumaong aktres.

“Rest in eternal peace, our feisty talented driven theater colleague, our dearest Angie Ferro!” aniya.


Sa FB page naman ng GMA head writer na si Suzette Severo Doctolero mababasa ang mensaheng, “Patay na si Uray Hilway ng Amaya at Lola Igna. My teacher, a friend, ina ng aming teatro. Rest in peace, BB. Angie Ferro.”

Ang tinutukoy ni Suzette na Uray Hilway ay ang karakter ni Angie Ferro sa primetime series noon ng GMA na “Amaya” (2011-2023) na pinagbidahan ni Marian Rivera.

Baka Bet Mo: Rufa Mae Quinto nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid: Grabe pala malagasan, iba din!

Ang “Lola Igna” naman ay ang 2019 independent film kung saan siya nanalong Best Actress sa Pista ng Pelikulang Pilipino at nakakuha rin ng Best Actress Gawad Urian nomination.

Ilan pa sa mga hindi malilimutang pelikulang nagawa ng pumanaw na veteran actress ay ang obra ni Celso Ad Castillo na “Pagputi ng Uwak… Pag-itim ng Tagak” (1978) ang ang “Ebolusyon ng Isang Pamilyang Pilipino” (2004) ni Lav Diaz.

Nanalo siyang Best Supporting Actress sa FAMAS Awards para sa “Pagputi ng Uwak…Pag-itim ng Tagak”.


Noong October, 2021, siya ang tumanggap ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award sa 36th PMPC Star Awards for Movies.

Napanood din siya sa Hollywood movie na Nocebo (2022) na pinagbidahan nina Eva Green, Mark Strong, at ng Filipina actress na si Chai Fonacier.

Ang pinakahuli niyang pelikula ay ang horror film na “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan:” (2023) ni Chito Roño na pinagbidahan nina Joshua Garcia at Kelvin Miranda.

Nitong nagdaang Mayo, nabalitang nasa kritikal na kundisyon ang aktres at kasunod nito, nanawagan ang mga kaibigan at kasamahan niya sa showbiz industry para sa financial support.

Wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya ng yumaong veteran star tungkol sa dahilan ng kanyang pagkamatay pati na rin sa mga detalye ng kanyang burol.

Veteran actress may sikreto kung bakit madalas may proyekto sa TV network

Judy Ann Santos, John Prats, Bela Padilla, Bong Revilla nagluluksa sa pagkawala ni Susan Roces

Read more...