SAN MIG nasungkit ang 3-2 FINALS lead

Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
8 p.m. Petron Blaze vs San Mig Coffee
(Game 6)

HINDI hinayaan ng San Mig Coffee na muling makabangon ang Petron Blaze mula sa malaking kalamangan matapos itala ang 114-103 pagwawagi sa Game Five ng PLDT Telpad PBA Governors’ Cup best-of-seven championship series kagabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Bunga ng panalo, nasungkit ng San Mig Coffee ang 3-2 bentahe sa kanilang serye at mangailangan na lamang ng isang panalo para mauwi ang titulo ng Governors’ Cup.

Bagamat nakadikit sa dalawang puntos ang Boosters, 89-91, sa kaagahan ng ikaapat na yugto hindi pinanghinaan ng loob ang Mixers na nagawang magtala ng doble pigura na kalamangan papasok sa huling dalawang minuto ng laro para maiwanan ang kalaban.

Naglatag din ng matinding depensa ang San Mig Coffee laban sa mga shooters ng Petron Blaze para hindi ito makatira ng tres.
Si Mark Barroca, na tinanghal na Best Player of the Game, ay gumawa ng 22 puntos at 10 assists para magbida sa Mixers.

Read more...