BILLY CRAWFORD, COLEEN GARCIA pinagre-resign sa Showtime

Merong nakapagsabi sa amin na tila mga ex ni Gab Valenciano ang madalas na nagiging dyowa ni Billy Crawford.
One friend observed kasi na after Nikki Gil na ex ni Gab ay kay Coleen Garcia naman nauugnay ang pangalan ni Billy.

Kalat na kalat na nga ngayon sa showbiz na there’s something romantic brewing between Coleen and Billy after their photos taken during their gimik sa Dugout Bar came out.

Actually, ang daming nam-bash kay Coleen when the photos came sa social media. The TV host-actress was called names at talagang marami ang naimbiyerna sa beauty niya.

Marami na ang nag-suggest na tanggalin na nga lang daw si Coleen dahil hindi ito magandang impluwensiya sa mga taga-It’s Showtime. Ahas daw kasi ang dalaga at hindi dapat pamarisan.

Ganoon, actually, kalakas ang dating ni Coleen ngayon. Marami ang hate na hate siya!

( Photo credit to Google )

Read more...