PIOLO paulit-ulit na lang ang kadramahan pagdating sa babae

Rebelasyon ni Piolo Pascual, dalawang taon pa mula ngayon ay nagpaplano na siyang mag-asawa. Disiotso anyos na raw kasi ngayon ang kanyang anak na si Iñigo at gusto raw muna niyang magabayan ang binata sa paglaki nito.

May sampung taon na ang nakararaan ngayon ay ganu’n na rin naman ang deklarasyon ng papa ng bayan, dalawang taon pa at mag-aasawa na siya, gusto raw niyang magkaanak habang bata pa siya para sabay lang silang lumaki.

Pero 2013 na ngayon, ganu’n pa rin ang madalas sabihin ni Piolo, palaging future tense ang kanyang isinasagot, kaya ang tanong ng ating mga kababayan ay kung kailan ba talaga siya mag-aasawa?

Kapansin-pansin din na palagi niyang ginagamit na dahilan si Iñigo, ayaw raw kasi niyang masaktan ang kanyang anak, sobra raw kasi ang pagiging seloso nito.

Bakit hindi niya maipaliwanag sa kanyang anak na magkaiba naman ang klase ng pagmamahal na maibibigay ng lalaki sa kanyang asawa at anak, bakit hindi niya masabi kay Iñigo na gusto na niyang magkapamilya, dahil hindi na siya bumabata?

Bakit palaging si Iñigo ang isinasangkalan niya, bakit hindi niya na lang kausapin ang kanyang anak na gusto na niyang magpamilya, napakaramot ba naman ng anak niya para hindi maintindihan ang kanyang gusto?

At bago siguro magsabi si Piolo na dalawang taon pa mula ngayon ay gusto na niyang mag-asawa ay kailangan muna niyang makilala ang babaeng pakakasalan niya.

Wala naman kasi siyang karelasyon, palagi niyang ibinibitin ang kuwento tungkol sa kanila ni Shaina Magdayao, samantalang nagpainterbyu na nga ang dalaga na wala namang namamagitang kung ano sa kanila at magkaibigan lang talaga sila? Ano ba naman ‘yan?

( Photo credit to Google )

Read more...