TARGET bawasan ng Department of Education (DepEd) ang mga itinuturong subjects sa mga estudyante sa ating bansa.
Kaya naman, inilunsad ng ahensya ang revised K to 10 curriculum na tinawag nilang “Matatag curriculum.”
Ang implementasyon niyan ay sisimulan na sa susunod na taon o sa School Year (SY) 2024-2025.
Nakasaad sa bagong curriculum na imbes na pito ay limang subjects na lang ang ituturo sa mga estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 10.
Ang focus na lamang diyan ay ang language, reading and literacy, mathematics, makabansa, at good manners and right conduct.
Baka Bet Mo: COVID-19 vaccination certificate hindi na required sa mga dayuhang turista –DOH
“Malaki ang pag-asa natin na sa pamamagitan ng MATATAG Curriculum, maiaangat na natin ang antas ng kaalaman ng mga kabataan, lalo na sa writing, reading, at mathematics,” sey ni Vice President at DepEd secretary na si Sara Duterte sa isang Facebook post.
Patuloy niya, “Isa ito sa mga konkretong hakbang ng DepEd para solusyonan ang learning losses ng mga kabataang Pilipino.”
“Ang paglulunsad ng curriculum na ito ay ating iniakma sa DepEd Agenda na ‘MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa’ na naglalayong makahubog ng mga kabataan na may pagmamahal sa bansa at may kaalaman at kasanayan na angkop sa makabagong panahon,” dagdag pa niya.
Ayon sa DepEd, uunti-untiin ang pagpapatupad ng Matatag curriculum na sisimulan na sa susunod na taon hanggang sa maisakatuparan na ito nang kumpleto pagdating ng taong 2028.
Narito ang breakdown ng ahensya kung kailan nila ipatutupad ang bagong curriculum:
- Sy 2024 to 2025 —Kinder, Grade 1, Grade 4, Grade 7
- SY 2025 to 2026 — Grade 2, Grade 5, Grade 8
- SY 2026 to 2027 — Grade 3, Grade 6, Grade 9
- SY 2027 to 2028 — Grade 10
Read more: