Bandera Editorial: Garapalan sa Malacanang

Bandera Editorial

Since I don’t have a bias, my people should not have a bias also.  —Benigno Aquino III

BAKIT ngayon lang nakialam si P-Noy sa mga kapalpakan, at marami pang susunod ayon sa pamahiin, ng kanyang mga tagapagsalita?  Dahil ba sa ang bawat kapalpakan ay hindi ang tagapagsalita ang tinatamaan kundi si P-Noy?
Matindi ang iniwan sa isipan ng mga mamamahayag ng mga kapalpakang ito, kundi man sinasadya ang iilan.  At mukhang sinasadya na nga dahil mas malakas talaga ang lukso ng dugo sa pakikipag-kapwa tao.
Bastante na ba ang pinagsabihan ni P-Noy ang mga ulo sa communications group na huwag maging bias sa pagtingin sa media?
Sa isang banda, si P-Noy na ang nagbanggit ng salitang “bias,” at hindi kami.
Pero, mabuti na lang at personal na humingi ng paumanhin si P-Noy sa kapalpakan ng kanyang mga tao. Mas makabubuti kung sibakin ni P-Noy ang maraming palpak para palakpakan naman.

Bandera, Philippine News at opinion, 080410

Read more...