TATLONG buwan matapos tanghaling grand champion sa singing competition na “The Voice Kids: Season 5,” opisyal nang pumirma ng kontrata under Universal Music Group (UMG) ang binansagang “Kiddie Pop Rockstar of Laguna” na si Shane Bernabe.
Para kay Shane, isang dream come true ang mapabilang sa nasabing music label.
“This is a dream turned into reality. Having this kind of family, the UMG, will guide and help me grow more in singing,” sey niya.
Kasabay niyan ay inamin din ni Shane na marami pa siyang kailangang matutunan sa mundo ng music industry.
Hiling pa nga niya, “[With UMG], I hopefully want to have more song covers, to sing along with other artists, and to write songs—as I learn on how to navigate the industry.”
Baka Bet Mo: Shane Bernabe ng Kamp Kawayan waging The Voice Kids PH Season 5 grand champion
Tatlong taong gulang pa lang si Shane ay mahilig na siyang kumanta.
Napansin ito ng kanyang lola at tiyahin kaya ito ang nagsilbing vocal coaches niya.
Pagdating naman sa mga singing contest, si Shane ay nag-umpisang sumali sa kanyang eskwelahan hanggang siya’y maging isang ganap na performer.
Ayon kay Shane, ang kanyang pagkanta ay isang paraan ng pagpapahayag ng kanyang sarili.
Ang focus din, aniya, niya ngayon ay ‘yung mga kantang may kinalaman sa pop at rock.
Kung maaalala, noong May 21 lamang nang magwagi siya sa “The Voice Kids” sa ilalim ng Camp Kawayan ni Coach Bamboo.
Para sa hindi pa masyadong aware, under rin ng UMG Philippines ang ilan sa mga sikat na OPM music artists kagaya nila Yeng Constantino, Moira Dela Torre, Zack Tabudlo, at ang isa pang The Voice Kids alumni na si Juan Karlos.
Related Chika: