MATAPOS mag-trending ang kanyang parody song na ‘Oh Wow’, inilahad ng Kapuso actor-comedian na si Michael V. na ginawa niya ang kanta para paalalahanan ang mga content creators.
Sa kanyang panayam kay Nelson Canlas na inilabas sa “24 Oras”, sibabi niyang hindi ito para puntiryahin ang ilan bagkus para i-challenge ang mga ito na mas pagbutihin pa ang paggawa ng content para sa publiko.
“Ang dami yatang naka-relate. Nagiging toxic na rin kasi ang mga content creators ngayon,” pahayag ni Michael V.
Aniya, ang kanyang parody song na hango sa kanyang “Uhaw” ng Dilaw, ay paalala rin maging sa kanyang sarili.
“‘Yung mga content creators dapat alam n’yo ang salitang content. I’d like to say it’s a reminder. Hindi lang sa kanila kundi sa sarili ko,” saad ni Bitoy.
Parte kasi ng lyrics nito ang “Kahit ‘di kaya pinilit/ kahit na pangit pwede na ‘tong i-po-po-po-po-post/ Eh ‘di oh, wow, eh ‘di ikaw, trending ka now.”
Baka Bet Mo: Michael V gustong mag-guest si Vice Ganda sa bagong ‘Bubble Gang’: ‘Sana nga mabigyan ng chance’
“‘Di aayaw, kahit ano, kahit sabaw/ Ang babaw ng pananaw/ Collab pa rito, penge naman ng followers mo/ Ang masasabi ko lang ‘Oh, wow, oh, wow,.'”
Dagdag pa ni Bitoy, “Sana maka inspire tayo ng generation na, ‘Ah, hindi pa puwede, puwede pang pagandahin.'”
Sa ngayon ay umabot na ng 22.7 million views ang kanyang video na uploaded sa Facebook reels samantalang top 2 naman ito sa trending videos sa YouTube.
Napanood naman ng bandang Dilaw ang parody song ni Bitoy.
“Hi Daddy M. Thank you so much. Love you,” sabi ni Leonard “Dilaw” Obero.
Pinuri naman ni Michael V ang banda para sa kanilang passion sa kanilang craftx
“Sana lahat gano’n. Sana lahat uhaw sa excellence,” sey ni Bitoy.
Matatandaang noong Abril ay naglabas ng pahayag ang Kapuso actor-comedian na dapat ay alam ng mga content creators ang salitag “content”.
Related Chika:
Michael V tinira-tira ni Rendon Labador: ‘Masakit na katotohanan na laos na kayo WE CONTROL THE MEDIA NOW!’