RAYVER CRUZ type ‘makipagbalikan’ kay SHAINA

NAKAKAIRITA palang kontrabida si Rayver Cruz sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin dahil talagang magagalit ka sa kanya lalo na kapag pinandidilatan niya si Cristine Reyes bilang asawa niya sa kuwento.

At mas lalo kaming nairita nang pati ang batang musmos na anak ni Cristine kay Gerald Anderson ay pinatulan niya dahil nga narinig niyang mas mabait ang lola Zenaida (Dawn Zulueta) kaysa sa lola niyang si Dina Bonnevie.

At nakakatuwa ang reaksyon ng fans nina Rayver at AA, bagay na bagay daw talaga ang dalawa kaya sana magkabalikan na lang sila, I’m sure maging ang aktor ay matatawa rin kapag sinabi namin ito sa kanya.

Samantala, nagpapasalamat ang aktor sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Dreamscape Entertainment para sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin dahil nabigyan siya ng pagkakataong ipakita naman ang other side siya bilang aktor na kaya rin niyang gampanan.

At ang pinaka-wish ni Rayver sa susunod niyang serye ay makasama ang una niyang ka-loveteam, si Shaina Magdayao. Bigla tuloy kaming naghalukay ng mga e-mail sa amin na marami pa palang fans ang dalawa, in fairness bossing Ervin at umaasa silang sana muling magkasama ang dalawa sa project.

Oo nga, bakit nga ba hindi muling pagsamahin sina Rayver at Shaina? Hmmmm, teka, wala pang love interest ang aktres sa You’re My Home, bakit hindi na lang si Rayver, bagay naman sila.

( Photo credit to Google )

Read more...