Manny Pacquiao may ‘exhibition match’ sa 2024, kakalabanin ang Muay Thai icon na si Buakaw Banchamek

Manny Pacquiao may ‘exhibition match’ sa 2024, kakalabanin ang Muay Thai icon na si Buakaw Banchamek

PHOTO: Instagram/@mannypacquiao

THE match of legends!

Ganyan ang magiging peg ng panibagong inaabangang “exhibition match” ng boxing legend na si Manny Pacquiao sa susunod na taon.

Ang kanyang makakalaban ay ang Muay Thai icon na si Buakaw Banchamek.

“I will do my best and give good action for fans to make them happy and enjoy the show,” sey ni Manny sa isang press conference na naganap sa Thailand noong July 21.

Sa Instagram, ibinandera naman ng boksingero ang ilang litrato ng pagkikita nila ni Buakaw sa Thailand.

Wika pa ng eight-division champion sa post, “This is going to be an amazing fight.”

Baka Bet Mo: Manny Pacquiao sa kinakaharap na kaso: I am definitely pursuing other legal remedies so that truth and justice will prevail

Wala pang detalye kung saan mangyayari ang laban ng dalawa, pero ang exhibition match ay magkakaroon ng anim na rounds na tig-tatlong minuto at may dalawang minuto na interval naman kada round.

Para sa kaalaman ng marami, si Buakaw ay dating #1 ranked fighter ng legendary Lumpinee Stadium.

Mayroon siyang 240 kickboxing wins with 73 knockouts, 24 losses, at 14 draws. 

Siya rin ang two-time K-1 World Max champion at dalawang beses na nagwagi sa Thai Fight tournament.

Samantala, si Manny naman ang one and only boxer na naging champion sa walong weight divisions.

May professional record siya na 62 wins including 39 knockouts, eight losses, at two draws.

Taong 2021 nang inanunsyo ng boxing icon ang kanyang pagreretiro sa boxing matapos matalo via unanimous decision laban sa Cuban fighter na si Yordenis Ugas.

Magugunita noong Disyembre ng nakaraang taon nang huling magkaroon ng exhibition si Pacman laban sa South Korean YouTube martial artist na si DK Yoo.

Related Chika:

Joshua ibinandera ang ‘matching bracelets’ nila ni Bella, magdyowa na nga ba?

Read more...