KC nagsuot ng maikling shorts at t-shirt, puro lait ang inabot

KC Concepcion INQUIRER

Lait ang inabot nina KC Concepcion at Coleen Garcia when they were photographed wearing short shorts in two separate occasions.

Sa nabasa naming short article sa isang website ay napansin ng marami ang maikling short ni KC nang lumabas ito kasama ang ilang friends including a popular NBA basketball player na si Chandler Parsons.

Bakit daw ganoon ang suot ni KC? At napansin din ng netizens na medyo maikli ang shirt ng dalaga nang makunan siya ng litrato while in a group date with friends inlcuding the NBA player.

Si Coleen naman, nakunan ng photo sa Dugout Bar sa Bacolod nang mag-show roon ang It’s Showtime. Super comfy siguro ang feeling ni Coleen in wearing short shorts na parang kita na ang kanyang butt.

We feel na KC and Coleen have the right to wear anything that please them. Kaya lang, since they are showbiz personalities ay napupuna sila.

 

Read more...