Iza Calzado sa postpartum body: ‘Mahaba-haba pa ang biyahe pero darating din tayo du’n, tuloy lang…laban lang!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Iza Calzado at Baby Amman
AMINADO si Iza Calzado na hindi madali ang pinagdaraanan niyang fitness journey ilang buwan matapos niyang isilang ang panganay niyang anak na si Deia Amihan.
“Struggle is real” nga ang drama ngayon ng celebrity mom pagdating sa pagwo-workout para maibalik ang dati niyang katawan para na rin sa kanyang kalusugan at well-being.
Ipinanganak ni Iza ang unang baby nila ng asawang entrepreneur na si Ben Wintle noonh January 26 at makalipas nga ang halos anim na buwan ay patuloy pa rin siya sa pagiging hands-on mommy at wala pa ring balak na bumalik sa trabaho.
Sa pinagdaraanan niya ngayon, pinaaalalahan din ni Iza ang mga kapwa niya nanay na “be kind about their body after giving birth.”
Nag-share ang aktres ng ilang workout videos sa kanyang Instagram account na may caption na, “It has taken me some time to post a workout video even if I started training in March.
“To be honest, I have been struggling to fully embrace my postpartum body. It’s a bit of a rollercoaster ride, really,” pag-amin ni Iza.
Patuloy pa niya, “I have my good days when I celebrate it for carrying and birthing to and now taking care of a child.
“Then there are those moments that leave me feeling frustrated even after years of working on loving and accepting myself,” mensahe pa ng Kapamilya actress na huling napanood sa ABS-CBN action-fantasy series na “Darna.”
Sey pa ni Iza, “This is a new chapter in my body and self-love journey. So, I will choose to reframe the anxiety and turn it into excitement.
“Grateful for this new challenge and can’t wait to see where my hard work will take me. Whatever the outcome, what matters is I enjoy the process.
“So here I am posting this to remind myself that no matter the size of my body, it is worthy of taking up space on my feed.
“It is also a way for me to honor where I am at, physically and mentally. Mahaba haba pa ang biyahe pero darating din tayo dun. Tuloy lang. Laban lang!” ang pagmo-motivate pa ni Iza sa kanyang sarili.
Sandamakmak na netizens naman ang nag-like at nagkomento sa IG post ni Iza, kabilang na ang mga kaibigan niyang celebrities tulad nina Lea Salonga, Vina Morales, Ina Feleo, Bianca King, Jessy Mendiola at Phoemela Baranda.