Onyok Pineda nagtapos na ng elementarya, with honors pa!

Onyok Pineda nagtapos na ng elementarya, with honors pa!
GRADUATE na sa elementary ang dating child star na si Xon Ezekiel Pineda o mas kilala bilang si Onyok Pineda.

Ang magandang balita ay ibinahagi ng kanyang ina gamit ang Instagram account ng dating cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

“Congratulations Kuya Xymon Ezekiel,” caption ng kanyang ina ni Onyok sa post.

Pagpapatuloy pa nito, “I’m so proud of you anak! Stay humble,obedient and always trust in the Lord with all your heart.”

For sure ay talagang happy ang ina ni Onyok lalo na’t nagtapos ito with flying colors.

Marami naman sa mga netizens ang nag-congratulate sa dating child star.

Baka Bet Mo: Onyok nami-miss ng mga bagets sa ‘Probinsyano’

 

“Congratulations Onyok! Very good guid! Que Guapo!l” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Congratulations [clapping emoji]. Lalong naging gwapo dahil nagbibinata na.”

“congrats onyok [heart emojis]. nkakamiss kang panoorin,” sey naman ng isa.

Matatandaang sa gitna ng kasikatan noon at kabi-kabilang proyekto ay tinalikuran ng batang aktor ang pag-aartista para mag-aral.

Sa isang panayam noon ng Kapamilya actor-director na si Coco Martin ay inamin nito kung bakit nawala si Onyok sa “Ang Probinsyano”.

“Gusto kasi mag-aral nung bata. Kami naman po naiintindihan namin. Siyempre po, kami priority namin ‘yung bata, na maalagaan sila,” lahad ni Coco.

Suportado naman ng aktor ang kagustuhan ni Onyok na i-prioritize ang kanyang pag-aaral.

“Pinakaimportante iyon e. Mawawala tayo sa showbiz pero ‘yung matutunan ng bata hindi. Hindi puwedeng puro trabaho lang,” sey pa ni Coco.

Related Chika:
MacMac: Hindi kami magkaribal ni Onyok! Pareho lang kami!

Onyok Pineda lucky charm ni Coco; labs na labs ng madlang pipol

Read more...