Tom: Sayang hindi nakita ng mga tao yung halikan namin ni Dennis!

Dennis Trillo at Tom Rodriguez

LEADING man ulit si Tom Rodriguez ng beki na si Joey Paras sa latest movie ng Viva Films na “Bekikang (Ang Nanay Kong Beki)” sa direksyon ni Wenn Deramas. Knows naman ng marami na lover din niya si Dennis Trillo sa teleserye ng GMA 7 na My Husband’s Lover.

“It’s a prominent role naman. I’m really happy naman na nakasama ako kasi masaya silang lahat katrabaho like si Direk Wenn na nakatrabaho ko sa ‘Petrang Kabayo.’ Kaya I’m really happy na nagkatrabaho kami ulit. At happy ako na nakasama ako sa grupo nila ulit,” ngiti na labas dimples na sabi ni Tom.

Para raw sa kanya wala namang nabago sa pagkatao niya mula noong nakatrabaho niya ang grupo ni Direk Wenn sa “Petrang Kabayo” at ngayon sa “Bekikang” kahit na mas sikat na siya ngayon.

“Sa akin personally, kung si Tom lang ang pinag-uusapan wala, ganoon pa rin ako. Kung ano ‘yung gusto ko dati ganoon pa rin ngayon. Siguro iba lang kasi mas marami ang nakakapansin sa akin, maraming nakakapuna but other than that, ganoon pa rin, e.”

So, may kissing scene rin sila ni Joey sa “Bekikang?” “Wala, wala, hehehe. hindi kasi, comedy ‘yung film. Mas maganda kung malawak ang nakakanood especially ‘yung mga bata. Kung may love scene baka ma-PG 13 ‘yung ginawa namin,” sagot niya.
Napakagaan daw ng personality ni Joey kaya napakadali nilang nagkasundo sa set, “Kaya hindi mo mapi-feel na kailagan mo siyang i-please. Wala siyang ere o anuman. Kapag punta sa set, take agad, he’s such a good person,” papuri ni Tom kay Joey Paras.

Natatawa raw si Tom kay Joey sa mga eksenang ginawa nila.

“Kaya kapag nandu’n ka lalo na kapag drama, e, hindi, drama talaga. Gaya nga noong sinasabi ni direk Wenn saktung-sakto na minsan ang feeling mo para kang baliw. Kasi nag-iiyakan kayo but at the same time natatawa ka. Naghahalo ‘yung tawa at iyak.

Ang sarap noong ganoong klase ng balanse. Si Direk Wenn lang ang nakakagawa noon.”

Samantala, tapos na nga ang serye nila nina Dennis at Carla Abelllana. Magbabakasyon si Carla sa Europe. Pupunta naman sa Singapore si Tom for three days. This is the first time na pupunta si Tom doon.

“Pero ‘yung bakasyon na hinihingi ko talaga Christmas and New Year kasi matagal ko ng hindi nakikita ang pamilya ko. Last time pa noong ‘Temptation Island’. Pagkatapos noong pelikula doon lang ako nakauwi after two years ‘yun. Tapos ngayon, after two years ulit lang ako makakauwi sa family ko sa States, sa Arizona.”

Hindi naman daw niya iniisip kung may special treatment na sa kanya pagbalik niya sa US. Basta sobrang saya lang daw niya na makapiling ang pamilya niya ulit.

“Sobrang saya kahit paano mapapanood nila ang world tour ng MHL kasi sobrang lapit lang sa amin. Sa end of November pa. I’m happy kasi first time ako mapapanood ng pamilya ko na nagpe-perform. Kasi sa bahay hindi naman ako kumakanta. So, wala silang idea talaga,” lahad niya.

May mga nagtataka naman kung bakit hindi ipinalabas sa concert ng MHL cast sa Araneta Coliseum ang kissing scene nila ni Dennis sa serye.

“Well, sa akin sa totoo lang, may panghihinayang. Ah, hindi maaalis ‘yun. Kasi pinaghirapan namin ‘yung eksena. Sayang na hindi naipalabas, hindi napakita. Pero wala sa amin ‘yung desisyon. Basta sa amin, as performers, ginampanan namin ang tungkulin namin. Ginawa namin ‘yung eksena. Sa DVD na lang daw ipapalabas,” pagbabalita ni Tom.

 

Read more...