Bandera “One on One”: Angelica Panganiban

Text, photo ni Julie Bonifacio

ANGELIC face Angelica Panganiban wears a new hairstyle nu’ng magkita kami sa The Buzz last Sunday. Bumagay at bumata nang husto si Angelica sa bagong style ng buhok niya with matching bangs. Mukhang hindi nangarag si Angelica sa almost a month na bakasyon niya with her boyfriend Derek Ramsay sa South Africa and right after ay lumipad ulit siya papunta naman ng Ireland para mag-show.
Agad namang nagpaunlak si Angelica ng one-on-one interview para sa BANDERA nu’ng magpaalam kami sa kanya. And since bitbit na niya ang collection niyang mga magnet kaya inusisa na rin namin ito sa kanya.

BANDERA: Ano ang pinakaunang magnet mo?
ANGELICA PANGANIBAN: Ay! Wala na ‘dyan. May kulang pa d’yan.  Sobrang dami niyan. Tapos (puno) na ako sa isang side ng ref. Mga one-third lang yata. Parang Disneyland ‘yung pinakauna kong magnet nu’ng bagets pa ako.

B:  Bakit magnet ang naisip mong kolektahin?
AP: Siyempre, kumbaga, ‘yung  ‘pag gising mo sa umaga makikita mo ‘yung magnet.  Nagsisilbi ‘yun na inspiration sa ‘yo. Magwo-work ako para marami pa akong magnets na makuha  at marami pa akong countries na mapuntahan.

B:  Ilang countries na ba ang napuntahan niya?
AP: Hindi ko alam. Pero almost tapos na kami sa Asia. India na lang yata ang hindi namin napupuntahan.  Europe hindi pa masyado. Malaki ang Europe.  Marami pa akong hindi napuntahan doon. Sa  Europe ang napuntahan ko lang is Paris, Barcelona, Rome and Italy.

B:  Nag-show ka  abroad, ‘di ba after ng South Africa vacation n’yo ni  Derek?
AP: Yes, sa  Belfast,  Ireland. So, malapit na talagang maikot ang buong mundo, yehey! Parang sa Asia, ‘yun na lang India ang hindi pa namin napuntahan. Siyempre parang hindi naman kami pupunta sa Iraq, ‘di ba? Baka ‘pag maayos na. Pero hindi rin kasi nakalagay sa passport not valid to travel doon, ‘di ba?

BA: Sa anong bansa naman galing ang pinakamahal na magnet na nabili mo?
AP: Siguro ‘yung ano Paris bilang mahal doon. ‘Tsaka sa Louvere  (museum) talaga namin binili ‘yun. Paris naman kasi, mukhang mamahalin talaga. ‘Yung Paris maganda talaga at ‘yung South Africa. Eto,  South Africa bilang unique talaga siya (parang maliit na voodoo doll).  Yes, with matching soccer ball kasi World Cup kami pumunta.

B:  Alin diyan ang magnet na binigay sa ‘yo ni Derek?
AP: Nakasama ko siya, uhm, saan ba kami unang nagpunta? Malaysia ba or China? Hindi ko maalala. Parang Malaysia yata. Everytime naman na kasama ko siya, siya ang bumibili like ‘yung shark binili niya sa South Africa. Hindi naman mahal. Tapos ‘yun, ‘yung Korea, ‘yung  Japan.

B:  Ano ang nangyari during your  stay sa South Africa? Ilang days sila doon?
AP: Mga  27 yata or 28 days. Nag-sky diving kami, nag-dive kami kasama ‘yung great white shark, nanood kami ng World Cup, nag-Safari kami. Ang dami, ang dami naming ginawa.

B:  Saan ka pinakanatakot sa lahat ng ginawa n’yo ni Derek?
AP: Sa sky diving.  First time ko ‘yun and talagang nagbri-break down ako habang  tumatalon. Umiiyak talaga ako. Gusto kong ibalik ang katawan ko sa eroplano.

B:   Ano naman ang pinaka-enjoy mo?
AP: ‘Yung Shark Diving, super enjoy na enjoy talaga ako. Hindi ako natakot. Hindi ko alam, basta ang saya, nu’n!

B:  Hindi naman harmful ‘yung pagsha-shark diving?
AP: Harmful!  Hindi naman nila kami inano kasi nasa loob kami ng kulungan.  So, alam  mo naman na safe ka.  Nakakatuwa lang silang asarin.

B:  Nagkasya naman ang inipon at dinala n’yong savings sa South Africa? Suppossed to be magtatrabaho din kayo du’n, ‘di ba?
AP: Kasya naman, kasya naman. And nu’ng una ang plano nga namin magtrabaho. ‘Yung  parang backpack-backpacking lang and naisip namin na sobra kaming pagod bago kami umalis kaya feeling naman namin, e, nagtrabaho naman kami ng bonggang-bongga so bakit hindi namin pasayahin ang mga sarili namin, ‘di ba?”

B:  So, nasulit naman ang ginastos n’yo sa South Africa?
AP: Sulit naman.

B:  Magkano naman ang nagastos n’yo sa South Africa trip na ito?
AP: Ah, mga nasa, walang P5 million! Mga nasa P1 million. Combined na. Siguro more than P1 million ng konti. Tapos iba pa ‘yung inisponsor ng Swatch.

B:  May tsismis na nagpakasal na kayo du’n?
AP: Oo nga, e.

B:  Bakit parang malungkot ang mukha mo sa balita? Nanghinayang ka ba na hindi natuloy?
AP: Hindi naman.  Wala naman talaga sa plano namin ang magpakasal doon and  hindi  naman namin ‘yun itatago. Diyos ko! Kami pa? Napaka-open namin sa tao.

B:  Kahit in passing never n’yong nabanggit sa isa’t isa na magpakasal?
AP: Hindi, e.  Parang magpupunta lang sa Cubao? Tara, sakay tayo ng jeep, ganu’n? Hindi naman ganu’n kadali ‘yun.

B:  Ano  ba ang dream wedding mo?
AP: Hindi ko nga siya naiisip, e. Uh, basta gusto ko lang makasama ‘yung taong  gusto kong makasama habang-buhay. Wala akong dream wedding, e.

B:  Sa isang bahay lang din ba kayo nakatira ni Derek with some of your friends sa South Africa?
A:  Nasa isang bahay lang kaming lahat. Nine kaming lahat.

B:  Wala namang nangyaring untoward incident  sa inyo sa loob ng bahay?
AP: Ay, parang Bahay ni Kuya? Ha-hahaha! Wala, wala naman.  Safe naman.  Nasa Cape Town naman kami. Nasa safe side naman kami ng South Africa na talagang maganda at karamihan ng tourist nandu’n. At masasabi ko na ito na ‘yung isa sa pinaka-memorable na trip ko with Derek, sa South Africa.

B:  After this trip, saan naman ang next na biyahe n’yo ni Derek?
AP: Gusto kong mag-ikot sa Europe and this time kasama ko naman siya. Kasi  ‘yung Europe trips ko, ako lang, mga shows, ganu’n. If ever, gusto kong bumalik ng Paris kasama siya.  Tapos gusto kong mag-Greece, sa Santorini. Ayun, basta saan. Basta kung saan lang maisipan. E, ngayon, wala pa naman kaming naiisip.  Pagod pa. Mag-iipon pa ulit.

Bandera, Philippine entertainment news, 072610

Read more...