PNR hindi na masasakyan ng commuters simula sa Disyembre

PNR hindi na masasakyan ng commuters simula sa Disyembre

PHOTO: Facebook/Philippine National Railways

ABISO para sa mga commuters diyan na sumasakay sa Philippine National Railways (PNR)!

Inanunsyo ni Transportation Secretary Jaime Bautista na sa darating na Disyembre ay ititigil ang lahat ng operasyon sa PNR.

Ang ibig sabihin niyan, pansamantalang hindi masasakyan ang nasabing tren.

Ayon kay Bautista, ito ay para mabigyang-daan ang pagpapatayo ng North-South Commuter Railway (NSCR) project na nagkakahalaga ng P873.6 billion.

Baka Bet Mo: Mga alagang hayop papayagan na sa LRT-2 simula Feb. 1

Nilinaw din ng kalihim na ang tigil-operasyon ay pagkatapos pa ng Pasko kaya naman ang publiko ay pwede pang sumakay ng tren sa kasagsagan ng holiday season, lalo na ‘yung mga may balak mag-Christmas shopping sa Divisoria sa Maynila.

Kamakailan lang ay nauna nang suspendihin sa PNR ang biyaheng Alabang-Calamba.

“Itinigil na muna kasi ang operasyon ng rutang Alabang-Calamba at Calamba-Alabang ng PNR para magbigay-daan sa konstruksyon ng ₱873.6-billion North-South Commuter Railway Project,” sey ni Baustista.

Gayunpaman, mas maraming bus ang kanilang ipina-deploy para sa 2,000 na commuters na apektado rito.

Sinabi ni Bautista na ang railway project ay magbibigay ng 51 train sets para sa Alabang-Calamba route at pitong express train sets naman para sa Clark, Pampanga – Ninoy Aquino International Airport route.

Dagdag pa niya, kapag natapos na ang proyekto ay magsisimula ang pamasahe sa tren sa P22 na may karagdagang P2 kada kilometro.

Magsisimula rin sa susunod na linggo ang paglilipat ng mga informal settlers na nakatira sa tabi ng riles ng tren, ani Bautista.

“We’re working closely with the other government agencies to relocate them. Ang maganda dito, most of them who will be relocated, will be relocated in the same city,” saad ng kalihim.

Inaasahan na ang NSCR project ay makukumpleto sa taong 2028.

Target nitong maiuugnay ang Clark airport sa Malolos, Bulacan at Calamba, Laguna sa Blumentritt sa Maynila.

Read more:

Read more...