WALA nang buhay ang Korean soprano singer na si Lee Sang Eun nang matagpuaan ito sa CR ng kanyang concert venue.
Ayon sa staff member na siyang tumawag sa mga pulis, nakita na lang niya lng patay ang singer-actress sa loob ng restroom ng Gimcheon City Culture and Arts Center.
“It was time for Lee Sang-eun to come on stage, but she wasn’t backstage. When I looked in the bathroom, I found her lying on the floor,” saad ng naturang staff sa police base na rin sa report na inilabas ng Koreaboo.
Agad raw na itinakbo sa pinakamalapit na ospital ang mang-aawit ngunit sa kasamaang palad ay idineklara na itong patay bago pa man umabot sa ospital.
Baka Bet Mo: Jung Chae Yull natagpuang walang buhay sa kanilang tahanan
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga kapulisan kung ano ang nangyari sa biglaang pagkamatay ni Lee Sang Eun.
Wala naman daw hinhinalang foul play na nangyari sa singer-actress.
Nagtapos si Sang Eun ng high school sa Seoul Arts High School at nag-aral sa College of Music sa Seoul National University.
Samantala, nag-master’s degree rin ang aktredd sa Mannes College of Music sa New York.
Related Chika:
Park Soo Ryun naaksidente, pumanaw sa edad na 29