Babaeng kumuha ng cookies sa ‘The Manila Baker’ viral, nagalit pa nang pagsabihan ng may-ari kahit naging ‘honest’ daw siya

Babaeng kumuha ng cookies sa 'The Manila Baker' viral, nagalit pa nang pagsabihan ng may-ari kahit naging 'honest' daw siya
TRENDING ngayon ang isang babae matapos itong mag-post sa social media hinggil sa kanyang reklamo sa may-ari ng The Manila Baker.

Nag-post kasi ito ng review sa Facebook page ng ukol sa kanilang pag-uusap privately via messenger ng diumano’y nagha-handle ng social media page ng naturang brand ng cookies.

Chika ng babae, hindi raw maganda ang naging paraan ng pagsagot ng namamahala sa Facebook page ng The Manila Baker sa kabila ng pagiging “honest” niya.

Ang siste, ang babae pala ay nagpunta sa kanilang stall sa isang mall ngunit nadatnan niyang walang tao na nagbabantay dito.

Nais raw talaga niyang bumili ng cookies kaya nag-antay ito ng 15 minutes ngunit wala pa rin daw ang bantay kaya nagdesisyon itong kumuha na lang ng 2 boxes.

“Wanted to buy cookies in their unmanned kiosk at Podium. After waiting for 15 minutes, I got cookies and messaged their FB account to pay thru GCash. The reply was berating messages instead,” saad ng babae sa kanyang review.

Baka Bet Mo: Rhian nag-bake ng cookies suot ang bonggang bikini; Heart nagbilad ng kaseksihan sa beach

Dagdag pa niya, “I am not expecting gratitude for my voluntary honesty but professional communication is a minimum requirement of any business. Never buying here again.”

Sagot naman ng The Manila Baker, kaya walang tao ay kinailangan raw ng bantay na pumunta ng bangko at gumamit ng restroom kaya wala ito sa kanilang tindahan.

Matapos ang pagbabayad ng babae ay nagpasalamat naman ang social media handler ngunit nagbigay paalala sa mamimili.

“PLEASE next time, just message us online if you are in a rush and our staff is currently running an errand,” saad ng The Manila Baker.

Dagdag pa nila, “If this was a different situation and nobody informed us our staff would have been charged with the P800. I do hope you know where we are coming from and understand why this cannot happen again. Thank you.”

Sa ngayon ay binura na ng babae ang kanyang review matapos itong mag-trending at putaktihin ng mga netizens ng kaniyang post sa pagiging “voluntary honest” niya.

Related Chika:
Jodi mala-‘Masterchef’ sa bagong ganap sa life: ‘I’m learning new skills in cooking and baking’

Rico Blanco nabahala sa takbo ng relasyon nila ni Maris: Sabi ko, ‘Hala, hindi pa tayo nag-aaway!’

Read more...