Walang birth certificate: problema sa SSS, PhilHealth (2)

MAGANDANG araw po. Ako si Elizabeth Estanislao.

Isa akong kasambahay.

Mayroon lang akong nais itanong sa PhilHealth, SSS at NSO.

Sabi ng amo ko, huhulugan niya daw ako ng SSS at Philhealth ko.

Ang problema ko ay wala akong birth certificate pero meron naman po akong marriage certificate.

Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nahuhulugan dahil wala akong maipakitang dokumento.

Pwede pa rin ba akong hulugan ng SSS at PhilHealth ng amo ko kahit wala pa akong mga dokumento?

Kapag nahulugan na nila ako, may benepisyo bang matatanggap ang mga benepisyaryo ko?

Ano ang dapat kong gawin?

Nung pumunta ako sa NSO, hindi raw ako nakarehistro kaya wala daw akong birth certificate.

Nung nagpakasal kasi kami ng asawa ko, hindi naman hinanap ang birth certificate ko. Ang problema ko pa, hiwalay na kami ng asawa ko at naiwan sa akin ang walong anak ko. Paano po kaya ito?

Lubos na
gumagalang,
Elizabeth

REPLY:
Gng. Estanislao:Pagbati mula sa Team PhilHealth!Para po sa karagdagang impormasyon, sa bisa ng R.A. 10606, Implementing Rules and Regulations of Republic Act 7875 as Amended otherwise known as the National Health Insurance Act of 2013, ang mga dokumentong nabanggit sa nauna po naming email ay hindi na kinakaila-ngan pa sa pagpaparehistro.

Sa halip, kinakaila-ngan lamang po na kayo ay magsumite sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth ng inyong pinunan ng tama at kumpletong PhilHealth Membership Registration Form (PMRF)
upang maproseso ang inyong membership application at nang kayo ay mabigyan ng PhilHealth Identification Number (PIN).

Sa oras po na kayo po ay mayroon nang PIN, ang inyo pong amo ay maari nang magbayad ng inyong kaukulang kontribusyon sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth o Accredited Collection Agents.

Maraming
Salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...