Anne Curtis hindi makapaniwala sa pagsasanib pwersa ng ABS-CBN, GMA: ‘I got goosebumps’

Anne Curtis hindi makapaniwala sa pagsasanib pwersa ng ABS-CBN, GMA: ‘I got goosebumps’

PHOTO: Instagram/@annecurtissmith

HALOS hindi makapaniwala ang TV host-actress na si Anne Curtis na nasaksihan niya ang makasaysayang pagsasanib pwersa ng dalawang media giants na GMA at ABS-CBN.

“A DAY I never thought would happen,” wika niya sa isang Instagram post habang ibinabandera ang isang video na ipinapakita na present siya sa naganap na contract signing sa pagitan ng nasabing TV networks.

Dagdag pa niya, “Got goosebumps when Atty. Gozon said ‘the TV war is finally over’ Thank you again @gmanetwork for giving @itsshowtimena another home on @gtvphilippines!”

“And to our bosses of ABSCBN , maraming salamat because you keep the hope in us alive by finding ways for us to continue our journey in making the madlang people happy!,” lahad pa niya.

Inamin din ng aktres na nasasabik na siya sa Sabado, July 1, dahil mapapanood na sa GTV ang “It’s Showtime.”

Ani niya, “We are so excited for July 1!!! Madlang Kapuso! See you guys there at 11:30am!”

Baka Bet Mo: US-based TikToker bilib sa pagiging ‘humble’, ‘genuine’ ni Anne Curtis matapos ma-interview sa New York

Maraming fans naman ang napa-comment at tuwang-tuwa sa bagong milestone ng Kapamilya network.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Haist grabe ‘yung blessings ng ABS, nawalan nga sila ng franchise pero ngayon ang dami nilang network [laughing face emoji].”

“‘Yung joke dati ni meme Vice na lilipat sya sa GMA hindi ko akalain buong Showtime family ang isasama nya [red heart emoji].”

“Tapos na ang war pero ang madlang people ang nanalo!!! Pagbutihin nyo pa! Congrats!!”

Bukod kay Anne, present din sa naturang pirmahan ang mga hosts ng “It’s Showtime” na sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Amy Perez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ogie Alcasid, Kim Chiu, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, Ion Perez, Cianne Dominguez, MC Muah, at Lassy.

Hindi naman nakadalo ang dalawang pang hosts na sina Vhong Navarro at Karylle.

Labis naman ang pasasalamat ni President at CEO Carlo Katigbak sa pagtanggap ng Kapuso network sa “It’s Showtime.”

Hindi raw niya inaakala na matapos ang kanilang collab para sa teleseryeng “Unbreak My Heart” ay magkakaroon ng bagong partnership ang dating magkaribal na networks.

Related Chika:

Felipe Gozon ibinandera ang pagpasok ng ‘It’s Showtime’ sa GTV: War is officially over

Read more...