KYLIE kailangang pakasalan ni ALJUR sa tradisyon ng muslim


Mahirap maging close sina Kris Bernal and Kylie Padilla. After a very long while ulit, balik-soap si Kylie and this time, the Vidanes Management girl is returning to primetime at siya ang lead and title: sa upcoming TeleBabad soap Adarna opposite Mikael Daez and possibly Benjamin Alves and Rafa Siguion Reyna sa direction ni Ricky Davao.

Ito ang ipapalit sa TeleBabad Kahit Nasaan Ka Man nina Julie Anne San Jose and Kristoffer Martin right after Genesis at malamang ay isang linggo lang ang ibigay na extension dito as magsisimula na nga ang Adarna.

Now, talking with Kylie, hindi na pala siya practicing Muslim dahil hirap nga naman siyang pagsabayin ang pagiging artista at pagiging Muslim.

Naiintindihan naman ito ng daddy Robin Padilla niya as long as daw na kung ikakasal na siya, she’d be married in the Muslim tradition.

Open na ang relasyon nila ni Aljur Abrenica as she said three years on na pala ang dalawa but that doesn’t mean na may balak na rin silang magpakasal dahil ang dami pang gustong gawin ni Kylie sa career niya.

Now speaking of Aljur, alam ni Kylie na ipit ang boyfriend niya sa away ng mga fans nina Kris at sa kaniya. Kylie is Aljur’s girlfriend but Kris is the established love team of Aljur at may show nga sila ngayon sa early primetime ng GMA na Prinsesa ng Buhay Ko before 24 Oras.

At kahit wala raw silang problema ni Kris, mahirap silang maging close kasi in a way, naapektuhan kasi sila sa gulong ginagawa ng mga respective fans nila.

Kahit anong pilit nila sa mga fans nila to stop this, wala naman daw silang magawa if they want to protect her.

( Photo credit to Google )

Read more...