P9.4M pantulong sa mahihirap naholdap

SINISILIP ng pulisya kung “inside job” ang naganap na pagtangay ng tatlong armadong kalalakihan sa P9.4 milyon na ipamamamahagi sana sa mga mahihirap sa ilalim ng
Ayon kay Chief Insp. Von June Nuyda, hepe ng Pagbilao police, ihahatid ng limang empleyado ng Philpost regional office sa San Pablo City ang salapi nang huminto sila at kumain sa isang eatery sa Maharlika Highway sa Brgy. Silangang Malicboy.
Matapos kumain ay bumalik sa van ang driver na si Brian Dizon. Dito na umano siya tinutukan ng tatlong lalaki at pilit na hiningi ang susi.
Tumanggi umano ang driver kaya siya binaril sa paa ng isa sa mga kawatan.
Iminaneho ng isang suspek ang van at inihinto ito sa gitna ng daan bago niya kinuha ang sako ng pera, bumaba at sumakay ng motorsiklo na walang plaka.
Naniniwala si Nuyda na “inside job” ang insidente dahil nakapagtatakang alam ng mga suspek kung anong oras kakain ang mga kawani. Nagtataka rin ang opisyal kung bakit doon kumain ang mga kawani imbes sa isang ligtas na lugar.
Ang salapi ay ipamamahagi sana sa mga benepisyaryo ng 4Ps sa bayan ng San Francisco, Quezon.—Inquirer

Read more...