JOEY PARAS pinahihiram lang dati ng pamasahe, mga damit ni BOY ABUNDA


HABANG papalapit nang papalapit ang showing ng “Bekikang” lalo pang tumitindi ang kaba ng komedyante at theater actor na si Joey Paras. First mainstream movie kasi ni Joey ang “Bekikang” at ang matindi pa nito, siya ang bida.

“Mga three days ago hindi ako makatulog. Nag-chat kami ni Direk (Wenn Deramas). Sabi niya, ‘Bakla, matulog ka.’ ‘Hindi Direk, e.’ Kapag walang ginagawa, after taping uwi na, hindi ako makatulog.

Iniisip ko ‘yung movie. Pero ayun, kalmado na ako kasi ginib-up ko na lahat kay Lord na parang kung anuman ang mangyari, may sasabihin ang tao, ke hit or flop, ‘di ba? So, ako okey lang,” bungad ni Joey.

Isang bagay lang daw ang nagpapa-happy kay Joey sa launching movie niya, maganda raw talaga ang pelikula. “Walang  etching ‘to. Galing ako sa indie alam ko kung maganda ang indie ko, gaoon din, e.

Eto, dumoble. Kasi bilang alam mo na ‘yung formula ng mainstream ‘di ba? Kuha niya lahat, e.  tatawa ka, maa-appreciate ng mga bata. Ma-appreciate rin ng matatalinong critics.

Mas maganda kung mapapanood ng mga bata kasi maiging mas aware sila na pwede silang magkaroon ng nanay na hindi nila kadugo,” esplika niya.

Originally, teleserye sana ang “Bekikang.” For some reasons, e, hindi nga natuloy pero naging pelikula naman. “‘Yung totoo? Nalungkot ako. Nasa Alabang, ay, kinuwento talaga.

Ha-hahaha! Nasa Alabang Town Center ako noon nu’ng tinawagan ako ni Direk. Doon ako lagi, e. doon ako tumatambay. Gusto kong umiyak kasi, naiiyak na nahe-hurt ‘yung mga taong nagtititwala sa akin.

“‘Yun, ‘yung nagpapaiyak sa akin. ‘Yung nalungkot ang mga kaibigan ko, ‘Ay, hindi na siya tuloy sa TV.’ ‘O, huwag kayong malungkot. Kasi kapag nalungkot kayo, hahagulgol ako. Ayokong nalulungkot kayo.’

Sarili ko kaya ko ‘yun, e,” pag-amin niya. Nagbakasyon daw siya ng one week sa Tagaytay para maibsan ang lungkot niya.
“May isang pa-resort, may pa-pool na kahit malamig ligo ako. Tara langoy tayo.

Tapos noong ready na ako, ‘O, ano taping na ba?’ Start na rin, uwi na. Tapos sinabi ko rin huwag masyadong matuwa, marami akong lessons in life.

Sa mainstream pala huwag kang masyadong matuwa, huwag masyadong aasa, so ganoon lang. Ang laking lessons sa akin,” pahayag pa ng komedyante.

Alam ni Joey na marami tayong mae-encounter na rejection along the way, “Mahirap ‘tong pinapasok ko pero ginagawa ko lang naman para kay Direk. Kahit hindi mangyari ‘to, okey ako.

Kahit housewife lang ako. Ha-haha. Hindi, okey talaga ako, promise.” Sure na raw na maghi-hit ang “Bekikang” sa takilya. Kaya ngayon pa lang ay sinasabi na siya na raw  ang susunod na gay icon sa Pilipinas. At titingalain ng mga batang beki.

“Kung in a positive way, tapos hindi lang sa ganda o sa porma, gusto ko ‘yung title. ‘Yung feeling na gusto kong maging Joey Paras kasi mabait, gusto ko siya kasi hindi siya maganda pero magaling. Doon ako.

Gusto ko ‘yung may sense,” sey pa niya. Napansin namin agad ang suot na purple jacket ni Joey sa presscon ng “Bekikang” na showing na sa Oct. 23.

Tinanong namin siya kung  sadya bang pinasuot sa kanya ni Direk Wenn ang purple na outfit niya that day since favorite at feeling lucky charm yata niya ang color na ‘yan gaya ng kulay ng mga damit ni Ai Ai delas Alas sa “Ang Tanging Ina” series.

“Bigay sa akin ‘to ni Tito Boy (Abunda). Ito ang napili kong isuot for today kasi  gusto niya isuot ko lahat ng binigay niyang damit sa akin.

Sabi ko, ‘Tito Boy, pwede bang i-mix and match ko kasi baka hindi ko mapangatawanan lahat?’ So, ayun, sa mga susunod na araw ‘yung mga binigay niya ang isusuot ko.

Sa promo or pag nag-guest ako,” proud na tsika niya. More than 20 sets daw ang binigay sa kanya noon ni Boy. Bukod sa damit, give rin sa kanya ng pamasahe ang TV host/manager, “Before kasi tulong niya na lang dahil wala pa ako, after kong mag-band, eight months ako tengga. So, ‘yung savings ko paubos na ganyan.

Si Boy, binibigyan niya ako ng pamasahe,” kwento pa sa amin ni Joey “Bekikang” Paras.

( Photo credit to Google )

Read more...