CESAR, NOEL CABANGON, DIREK MARYO magpapa-concert para tulungan ang mga biktima ng LINDOL sa BOHOL


Nakakalungkot at nakakaloka ang naganap na na lindol noong Martes ng umaga sa Bohol, Cebu at iba pang lugar sa Kabisayaan at ilang parte ng Mindanao.

Talagang matindi ang pinsalang idinulot nito sa mga national historical structures ng bansa gaya ng mga lumang simbahan sa Bohol, mga idineklarang historical sites at iba pang mahahalagang gusali na nagbagsakan dahil sa naitalang 7.2 magnitude na lindol.

Pero siyempre mas matindi rin ang kalungkutan na nararamdaman ng mga kababayan natin sa naturang mga lugar dahil bukod sa takot ay gulong-gulo sila ngayon kung paano mag-uumpisa muli.

Kaya naman ang kaibigan nating si Cesar Montano ay mabilis na nagsagawa ng fund drive para makatulong sa mga kalalawigan niya.

Kasama sina Noel Cabangon at iba pang artists, pati na sina direk Maryo J. delos Reyes na mayroon ding ugat sa Bohol ay naghahanda na para sa series of shows for the benefit of our kababayan doon.

( Photo credit to Google )

Read more...