REGINE naluha sa kundisyon ngayon ni MANG GERRY


Sa ospital nag-birthday party ang tatay ni Regine Velasquez na si Mang Gerry. Kuwento ng Songbird sa ilang members ng press pagkatapos ng contract signing niya sa GMA Network na ginanap sa Manila Golf and Country Club, sa Makati, okay na raw ang kundisyon ng kanyang ama.

“We’re good, my papa is doing really well, he’s recovering now kaya sana tuloy-tuloy na. Thanks sa lahat ng nagdasal at dumalaw kay Mang Gerry.

Birthday na niya at sa ospital kami magse-celebrate (kahapon). Du’n kami magpa-party kasama siya,” kuwento pa ng tinaguriang Icon ng GMA.

Speaking of contract signing na dinaluhan din ng mga bossing ng GMA sa pangunguna nina Atty. Felipe Gozon at Mr. Jimmy Duavit, dalawang taon ang bagong kontrata ng Songbird sa Kapuso station, at kabilang sa mga nakalinya niyang proyekto ay isang bonggang teleserye na magiging pasabog ng istasyon sa pagpasok ng 2014.

“I’m actually excited to go back to doing soap, kasi I haven’t done that in a while,” chika ni Regine na huli pa nating napanood sa seryeng I Heart You Pare, na hindi niya natapos dahil sa maselang kundisyon ng kanyang pagbubuntis noong 2011.

Si Iza Calzado ang nagpatuloy nito. Ayon kay Regine wish niyang makatrabaho uli ang leading man niya sa I Heart You Pare na si Dingdong Dantes, “Kasi nga we were cut short, e.

Kaya sana, magkaroon uli ng chance na magkasama uli kami.” Gusto rin niyang makatambal uli sina Mark Anthony Fernandez (nakasama niya sa Ako Si Kim Sam Soon) at TJ Trinidad (nakasama niya sa Diva).

Ayon pa sa Songbird, gusto raw niyang gumawa ng teleserye na sobrang matsa-challenge ang pagiging aktres niya, tulad daw ng My Husband’s Lover nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

“Ang daming pwedeng… after kasi ng My Husband’s Lover, parang ang daming… I guess our audience are open to a lot of new ideas now.

And even iyong network natin, kaya na nating magbigay ng ganoong klaseng programs. “So, excited ako kasi pwedeng iba naman, ibang tema naman ng soap ang gagawin ko…lalaki naman na talaga ako!” biro ng misis ni Ogie Alcasid.

Wala naman daw masyadong limitations ngayon si Regine kahit may asawa’t anak na siya, pero siyempre, mas okay daw kung may sapat pa rin siyang panahon kay Nate kahit may soap  na siya.

“I just requested na if it would be possible, na medyo hahabaan namin ng konti iyong canned. Para pag may emergency ako kay Nate, hindi ko maaabala iyong show, hindi ako biglang magka-cancel, kasi abala iyon, e.

At saka siyempre may involved na money… mahirap,” sey pa ng Songbird.

( Photo credit to Google )

Read more...