JC Premiere nagbukas ng business shop sa Canada dahil sa lakas ng JC Organic Barley products

JC Premiere nagbukas ng business shop sa Canada dahil sa lakas ng JC Organic Barley products

BILANG patunay na world-class quality ang kanilang mga produkto, nagbukas ang JC Premiere ng kanilang opisina sa Canada. 

Ito ay dahil na rin sa high demand ng kanilang mga produkto sa naturang bansa, lalung-lalo na sa JC Organic Barley. 

Matatagpuan ang JC Canada Business Center sa Unit 2 800 Burnhamthorpe Road sa Mississauga at ito ay pag-aari ni Marcelima Malaluan.

Dinaluhan ang grand opening ng tanggapan ng may 350 bisita, kabilang na ang mga itinuturing na industry leaders at influencers.

Ipinakilala sa kanila ang mga JC products, tulad ng JC Organic Barley, Calvit C, Omnifit, KIND Skin Care, JC Goodleaf Ashitaba Coffee, KPads at Coppermask, mga produkto na maaring makatulong para sa nais magkaroon ng healthy at balanced lifestyle.

Patunay ito na matinding suporta sa pagkilala nina JC founders Jonathan So at Carl Macadangdang na malaki ang potensyal ng food franchising.

Pinupuri ang progressive system of commissions ng JC dahil hinihikayat nila ang kanilang distributors na makabuo ng aktibong customer base, na gagarantiya sa kanilang magandang kinabukasan.

Nakapagbigay na ang JC sa libo-libong Filipino ng oportunidad para sa pagkakaroon ng sariling negosyo sa pamamagitan ng franchising programs sa buong mundo.

Read more...