SB19 nalagay sa alanganin dahil sa ‘side comment’ nina Vice at Anne sa ‘Showtime’, ipinagtanggol ng mga fans
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
SB19
“RESPETO lang!” Yan ang panawagan ng mga supporters ng P-pop super group na SB19 sa gitna ng isyu tungkol sa pagpapatugtog sana ng “Gento” sa “It’s Showtime.”
Trending ang #RespectLocalArtists sa Twitter at hot topic pa rin hanggang ngayon ang isang eksena sa Kapamilya noontime show na ikinagulat nga ng madlang pipol.
Dito kasi nabanggit na hindi na raw pwedeng patugtugin ang bagong kanta ng SB19 na “Gento” sa naturang programa nang walang kaukulang bayad.
Parang hindi ito nagustuhan ng mga “It’s Showtime” hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis kaya agad itong umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens, kabilang na riyan ang mga fans ng sikat na sikat na ngayong grupo.
Sa June 10 episode ng “It’s Showtime”, sa segment na “Isip Bata,” hinamon ng isang contestant si Jhong Hilario na sumayaw ng viral TikTok song na “Gento.”
Game na game namang pumayag si Jhong pero sinabi ng isa nilang staff na bawal na raw patugtugin ang “Gento” at kailangan muna nilang magbayad ng royalty para magamit ito sa kanilang show.
Halatang shookt sina Vice at Anne sa sinabi ng staff dahil ilang ulit na raw nilang pinatugtog sa “It’s Showtime” pero ngayon lang sila pinagbawalang gamitin ito.
“Bawal, naniningil na sila, naniningil na. Yung ‘Rampa’ libre, ayaw n’yong itry?” ang birong sabi ni Vice Ganda.
Sey naman ni Anne, “Talaga? Hindi ba good promo yon for the music industry? May ganon na pala, sayang.”
Kasunod nga nito ay bumuhos na ang pagtatanggol ng mga fans at supporters ng SB19, tila hindi nila nagustuhan ang naging pahayag nina Vice at Anne.
Ayon sa mga ito, tama lang na bayaran ng royalty ang music label ng SB19 dahil sila ang nagmamay-ari ng “Gento” gamit ang hashtag “Respect Local Artists” mabilis naging top trending topic sa Philippine Twitter.
Ang tinatawag na “music royalties”, ay ang karapatan ng bawat songwriters, recording artists, publishers, music labels, at producers, na pagbayarin ang sinumang gagamit ng kanilang mga materyal.
Isa sa mga unang-unang nagkomento hinggil dito ay ang aktor at singer-songwriter na si Sam Concepcion. Aniya sa kanyang tweet, “Pay artists their royalties.”
Narito ang ilang reaksyon ng mga SB19 fans.
“Alam nyo guys paminsa nakaka lungkot na nalaging SB19 ang nakakaranas ng mga ganito at bulgaran pa lagi.
Parang bakit sila palagi ang napapag diskitahan ng mga ganitong klase ng usapan.”
“Hindi na ko umaasa mag apologize show/tim3 pero sna magamit nila yung platform nila pra ma-educate at maliwanagan mga tao regarding royalty fees sa sinabi nila nakaapekto din yun sa image ng SB19.”
“Mukang pera? Sino ang hindi? Hahahaha. they are working their ass off to earn just like each and everyone of us. Bonus is they are making us happy and proud. Stop the accusations
Protect @SB19Official.”
“Just shows that #SB19 status is shifting, lage bukang bibig ng mga bata ng kapwa artist at me pukol lagi.. remember ang namumunga ng maganda at bumabango lagi pinupukol.”
“Hi @itsShowtimeNa I hope you can find time for some clarifications on this issue. Things r getting out of hand. SB19 are being bashed saying ‘Mukhang pera’ bcoz of the comment of ur host ‘naniningil na sila’ where in fact, it is the artist’s right.”
Di naman po kayo pinagbabawalan na e play yung song. You can play the song but pay what’s due the artist. They need to get paid to pay their own people. People getting paid for their own work. That’s what’s good for the industry.”
“Hindi po mali ang SB19 na maningil ng royalties whenever their songs are used or played. It’s their right as an artist and creators of the song. Ginagawa nga yan sa foreign artists eh, bakit di pwede sa local?”
“I understand na need sabihin na bawal na but it should have been followed with good enough explanation. Hindi yung
‘naniningil na sila lang.’ That sounded like ‘Royalty fee’ wasn’t a thing.”
“RESPECT LOCAL ARTISTS daw eh kung isuka nyo sila ngayon parang wala silang nagawang tama sa buong buhay nila HAHAHAHAHA si vice nagulat lang naman sya; normal yon, si Anne din since yung tone ng voice ni Anne mahinahon na patanong. Grabe kayo, local artists din naman yan.”
“Sorry pero I am with anne and vice here. harmless naman yung comments nila and to think na these BIG artists are promoting the group from time to time, I don’t think they’re putting them on a bad light unlike some of A’Tins na binabash sila at calling and shading them.”