Cristy Fermin sinabing non-showbiz girl ang ina ng anak ni Diego Loyzaga | Bandera

Cristy Fermin sinabing non-showbiz girl ang ina ng anak ni Diego Loyzaga

Therese Arceo |June 10,2023
facebook
share this

Cristy Fermin sinabing non-showbiz girl ang ina ng anak ni Diego Loyzaga

Therese Arceo - June 10, 2023 - 03:30 PM

Cristy Fermin sinabing non-showbiz girl ang ina ng anak ni Diego Loyzaga

MULI na namang natalakay ng kolumnistang si Cristy Fermin ang isyu ukol sa aktor na si Diego Loyzaga.

Ayon sa kanilang source, hindi raw nagmula sa showbiz world ang babae.

Ilang araw na rin nilang pinag-uusapan si Diego sa show nitong “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika buhat noong Miyerkules, June 7.

Matatandaang noong Miyerkules ay dapat makakapanayam nila ang aktor sa kanilang programa para na rin mag-promote ng bago nitong pelikulang “Will You Be My Ex?” kasama si Julia Barretto ngunit bigla itong nawala matapos ang naging teaser ng programa.

Nabanggit kasi sa teaser ang isyu na isa na siyang ganap na ama at tingin ni Cristy ay baka umiwas itong sagutin ang tanong kaya sinabing hindi na siya makapasok sa streamyard.

Ngunit kinabukasan ay inamin na rin ni Diego sa pamamagitan ng isang Instagram post ang mga haka-haka.

Baka Bet Mo: Diego Loyzaga binalaan ni Cristy Fermin matapos umurong sa 2 interview: ‘Bakit ka natakot, bakit ka naduwag?’

At matapos nga ang kanyang pag-amin ay naging curious ang madlang netizens kung sino ang ina ng kanyang anak lalo na’t wala namang napapabalitang dyowa ang aktor.

Sey ng kasamahan ni Cristy na si Romel Chika, “”Naku syempre, baka yun ang iniiwasan niya. Pero may nakakita po sa kanya, pero di nga natin kilala kasi hindi naman po artista yung babae.”

Segundo naman ng kolumnista, “May nakakita sa kanila noong inaayos ang mga kanilang mga dokumento sa [konsulado] ng Perth, Australia.”

Dagdag pa ni Cristy, “Model daw e.”

Wala pa namang reaksyon o pahayag si Diego ukol sa isyu.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng mga indibiduwal na sangkot sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Diego Loyzaga ganap na nga bang ama?

Diego Loyzaga kumpirmadong tatay na: Best birthday gift ever

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending