Jackie Lou Blanco nanghinayang nga ba sa paghihiwalay nila ni Ricky Davao? | Bandera

Jackie Lou Blanco nanghinayang nga ba sa paghihiwalay nila ni Ricky Davao?

Therese Arceo |June 10,2023
facebook
share this

Jackie Lou Blanco nanghinayang nga ba sa paghihiwalay nila ni Ricky Davao?

Therese Arceo - June 10, 2023 - 11:53 AM

Jackie Lou Blanco nanghinayang nga ba sa paghihiwalay nila ni Ricky Davao?

INAMIN ng aktres na si Jackie Lou Blanco na may panghihinayang siyang naramdaman nang maghiwalay sila ng kanyang ex-husband na si Ricky Davao.

Sa kanyang naging panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, June 9, ay natanong siya kung ano ang bagay na nanaisin niyang baguhin na nangyari sa nakaraan.

“Siguro kung mayroon akong babaguhin, sana hindi kami naghiwalay ni Ricky,” sagot ni Jackie Lou.

Pagpapatuloy niya, “Kung mababago ko siya. Only because, I can see how affected my children were although they are very understanding… You know that they have been affected in many ways. Sana hindi na lang, para hindi sila naapektuhan in those ways.”

Matatandaang noong 1989 nang magpakasal sina Ricky at Jackie Lou ngunit matapos ang mahigit dalawang dekada ng kanilang pagsasama ay nagdesisyon ang dalawa na maghiwalay.

Pero dahil nga nangyari na ang kanilang paghihiwalay at malalaki na rin ang kanilang mga anak, ang tanging magagawa na lang daw nila ay ang mag-coparent sa mga ito.

Nang mausisa naman kung nasa estado ng pagiging “friends” ang dalawa, sinabi ni Jackie Lou na isang “work in progress” ang kanilang relasyon.

Hindi sila usually nag-uusap ng nang matagal pero they still communicate.

Baka Bet Mo: Jackie Lou Blanco sa relasyon nila ngayon ni Ricky Davao: ‘I can’t say we’re chummy-chummy but it’s so much better now’

“We are not chummy-chummy. Not so long conversations, but we do [talk]. If I have to tell Ricky something that I cannot tell in person, I text him.

“Sometimes he’ll answer, sometimes he doesn’t answer, but even if he doesn’t answer, kung anuman yung inilalapit ko sa kanya, ginagawan n’ya ng paraan. Okay na sa akin ‘yun. We are a work in progress,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay nanatili naman ang kanilang maayos na coparenting set up sa mga anak na sina Arabella, Rikki Mae, at Kenneth lalo na’t magkalapit lang ang kanilang mga tahanan.

“If there’s any emergency, if there’s anything, ang lapit lang. The kids can just go back and forth,” pagkukwento ni Jackie Lou.

Dagdag chika pa niya, “It’s so funny nga, ganito na kami ngayon, tatawag yung katulong ni Ricky, Ma’am, naubusan na po kase kami ng sibuyas, meron ka ba d’yan?”

Aminado rin si Jackie Lou na marami siyang mga regrets in life pero ang mahalaga ay may mga natutunan siya mula rito.

“I have many regrets. But after a while, you need to move on and say, Ok this is what I’ve learned and kung anuman yung hindi ko ginawang tama dati, di ko na siya gagawin. Kasi ‘yun lang ang pwede kong gawin e. It’s the learnings. What do you learn from that?

“After a while kasi you need to forgive yourself for the wrong things that you have done,” sey ni Jackie Lou.

Kasama ang aktres sa cast ng “Luv Is: Love at First Read” kung saan siya ay gaganap bilang ina ng karakter ni Mavy Legaspi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Anak nina Ricky at Jackie Lou nagpakitang-gilas sa PBB 10 audition

Sharon Cuneta ‘all out support’ sa singing career ni Jackie Lou Blanco: I am very proud of you! FIGHTING!!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending