Bea Alonzo muntik nang maputulan ng dila matapos maaksidente sa basahan, hinimatay ang nanay dahil sa duguan niyang bibig | Bandera

Bea Alonzo muntik nang maputulan ng dila matapos maaksidente sa basahan, hinimatay ang nanay dahil sa duguan niyang bibig

Ervin Santiago |June 07,2023
facebook
share this

Bea Alonzo muntik nang maputulan ng dila matapos maaksidente sa basahan, hinimatay ang nanay dahil sa duguan niyang bibig

Ervin Santiago - June 07, 2023 - 09:58 AM

Bea Alonzo muntik nang maputulan ng dila matapos maaksidente sa basahan, hinimatay ang nanay dahil sa duguan niyang bibig

Bea Alonzo

MAY nakakaloka at nakakatensiyon palang eksena ang Kapuso actress at content creator na si Bea Alonzo noong bata pa siya.

Knows n’yo ba na muntik nang maputol ang dila niya matapos maaksidente sa loob ng kanilang bahay ilang dekada na ngayon ang nakararaan.

Inakala nga raw ng dalaga na magkakaroon siya ng speech defect dahil sa nasabing insidente na hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin sa kanyang alaala.

Naichika ni Bea ang tungkol dito sa bagong YouTube vlog ni Mariel Rodriguez-Padilla kung saan sumabak sila sa “Two Truths and a Lie” challenge kung saan kailangan nilang hulaan kung alin sa tatlong impormasyon sa buhay nila ang “fake” o kasinungalingan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Isa sa mga napag-usapan ng dalawa ay ang naging buhay nila noong bata pa sila. Ang pinahulaan ni Bea, ano ang “lie” sa mga detalyeng “mahilig siya sa kamatis”, “naputol ang bahagi ng dila niya dahil nadulas siya”, at “ninakaw ang alkansya ng kanyang pinsan.”

In fairness, tumpak ang sagot ni Mariel na ang ikatlong nabanggit na detalye ni Bea ang hindi totoo. Ayon sa wifey ni Sen. Robin Padilla, knows naman daw niya na hindi magnanakaw ang premyadong aktres.

Baka Bet Mo: Bea pangarap makagawa ng international movie; type makatrabaho si Bradley Cooper

So, ibig sabihin trulalu na naputulan siya ng dila noong bata pa siya. Paliwanag ni Bea, “May kinukuha kasi ako doon sa taas ng aparador.”

“Nakagat mo ba?” hirit na tanong agad sa kanya ni Mariel.

“Oo nakagat! Parang pumunta ako sa chair tapos pumatong ako sa chair para kuhanin ko yung ipon ko kasi nga may bibilhin ako.

“Tapos pagbaba ko ng chair, tumatakbo ako, nadulas ako do’n sa basahan. Tapos nakagat ko yung dila ko,” pagbabalik-tanaw ni Bea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Pagtayo raw niya ay mabilis niyang pinuntahan ang kanyang nanay na bigla raw nahimatay nang makitang duguan na ang kanyang bibig.

Sey pa ng Kapuso star, “Akala ko magkakaroon ako ng speech defect. p
Pero hindi naman, thank God!”

Samantala, sa nasabi ring vlog naibahagi ni Bea na meron siyang ex-boyfriend na araw-araw mino-monitor ang kanyang timbang upang malaman kung nadadagdagan ang kanyang weight.

Pagdedetalye ni Bea, “‘Yung first, I once blind dated a guy na… hindi ko na ipinagpatuloy kasi mayroon siyang laway na puti sa [gilid ng labi]. Ang gwapo gwapo pa naman niya but hindi ko kinaya so it’s a no for me kahit gaano siya kagwapo.

“Yung second meron akong dyowa na pinagwe-weighing scale ako almost everyday just to check if I’m heavier and then the third is nakipag-break na ako sa isang guy on his birthday na mayroon pa siyang birthday bash, doon ko sinabi ‘yon,” chika ni Bea.

Ang hula ni Mariel, ang pangatlong statement ng aktres ang “lie” at tumama naman siya.

Aniya, ang lie lang daw doon ay ginawa niya ang pakikipag-break noong birthday niya at hindo boong birthday ng lalaki.

“Tapos hindi ko alam na may surprise pala siya sa akin. Non-showbiz ‘yung guy. As in hindi ko alam. Biglang ‘surprise!’ tapos kaka-break lang namin,” sey ni Bea.

Aniya, iniisip raw kasi niyang hindi magagalit ang lalaki kasi birthday niya.

Hirit ni Cristy Fermin: ‘Matalas na rin ang dila ni Ion Perez, parang sumasabay na kay Vice Ganda’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Dito po ako natatakot. Nasa lahi po namin ang cancer’ — Chad Kinis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending