CONFIRMED: Tito, Vic & Joey, iba pang original Dabarkads nasa TV5 na, ipaglalaban na magamit pa rin ang 'Eat Bulaga' | Bandera

CONFIRMED: Tito, Vic & Joey, iba pang original Dabarkads nasa TV5 na, ipaglalaban na magamit pa rin ang ‘Eat Bulaga’

Ervin Santiago |June 07,2023
facebook
share this

CONFIRMED: Tito, Vic & Joey, iba pang original Dabarkads nasa TV5 na, ipaglalaban na magamit pa rin ang ‘Eat Bulaga’

Ervin Santiago - June 07, 2023 - 09:03 AM

CONFIRMED: Tito, Vic & Joey, iba pang original Dabarkads sa TV5 na mapapanood

Tito, Vic & Joey at iba pang Dabarkads

“GAME na!” Siguradong yan ang sigaw ng iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at ng Dabarkads ngayong may bago na silang tahanan.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Tuloy na tuloy na ang paglipat ng TVJ at ng iba pang original hosts ng “Eat Bulaga” sa TV5.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ito ang kinumpirma ni Mediaquest President and CEO Jane Basas ngayong araw ng Miyerkules, June 7 na talaga namang ikinatuwa ng mga Dabarkds all over the universe.

Aniya, nagkapirmahan na ang Mediaquest at ang tatlong veteran TV host at showbiz icon ng isang bonggang deal para sa pagpo-produce ng content para sa Kapatid Network at iba pang Mediaquest platforms”.

Baka Bet Mo: True ba, Sharon kinukuha sa bagong show nina Tito, Vic & Joey kapag nilayasan na ang Eat Bulaga?

“I’m happy that Tito, Vic, and Joey will now call TV5 their home.

“I’m honored that these pillars of the Philippine entertainment industry have agreed to work with us.

“Our partnership strengthens our ability to continue to deliver the best for Filipino viewers here at home and all over the world,” ang nakasaad sa official statement ng Mediaquest.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Naglabas naman ng short message si  Tito Sen tungkol sa paglipat nila sa TV5 upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng saya at inspirasyon sa sambayanang Filipino.

“We are thankful to our friends at Mediaquest for this fresh start. Dahil sa ating mga Dabarkads na naging Kapatid, tuloy pa rin ang tuwa’t saya na aming dala,” pahayag ng dating senador.

Sa ngayon, inaayos na raw ang TV5 studio sa Mandaluyong para sa bagong noontime show ng TVJ. Balitang “Dabarkads” na ang magiging titulo ng kanilang programa dahil nananatiling pag-aari ng TAPE Incorporated ang “Eat Bulaga”.

Samantala, balitang patuloy na ipaglalaban ng TVJ na magamit pa rin ang titulong “Eat Bulaga” sa paglipat nila sa TV5 dahil naninindigan sila na pag-aari nila ito at ng lahat ng Dabarkads sa bron mundo.

Maja naiyak sa pa-birthday surprise ng Eat Bulaga: Ang sarap maging Dabarkads!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maine, Ice, Rochelle, Pauleen, ilan pang artista nagpasalamat sa Eat Bulaga: ‘Hanggang sa muli, Dabarkads!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending