PERSONAL na na-experience ng cast at production staff ng gag show na Banana Split ng ABS-CBN ang napakalakas na lindol sa Bohol kahapon ng umaga.
May taping doon ang nasabing programa at talagang na-shock daw ang lahat nang maramdaman nila ang malakas na pagyanig na umabot sa 7.2 magnitude.
Sa Instagram account ni Angelica Panganiban, isa sa cast ng nasabing gag show, nakita namin ang ilang larawan kung saan makikita ang mga gusali sa Tagbilaran City Hall.
Sinabi ng aktres na nakakatakot talaga ang nangyari, at tila na-trauma nga raw ito. Pero kasabay nito, sinabi ni Angelica na okay naman daw ang kalagayan ng buong production ng Banana Split.
“Pray for Bohol… Pray for our safety.. Hindi na matanggal sa isip namin ang nangyari ngayong umaga. Sana tumigil na nga ang mga aftershocks.
“Ngayon alam ko na ang pakiramdam kapag akala mo magpapaalam ka na sa mundo. Pero safe naman na daw kami. Sana tuloy-tuloy na. God bless Philippines,” sabi ni Angelica.
Agad ding nakisimpatya ang Megastar na si Sharon Cuneta sa mga nabiktima ng lindol na ikinamatay ng marami nating kababayan sa Bohol at ilan pang bahagi ng Visayas region.
Sa Twitter din idinaan ni Mega ang kanyang saloobin, “Oh dear Lord God…Please bless our kababayan in Cebu and Bohol… Please give them strength during this time…
“My heart is aching… My beloved Cebuanos, please be strong… Dear Boholanos, my heart goes out to you all… My love and prayers are with you. Negros, too?! Pls be strong! Love and prayers,” sey pa ng TV host-actress.
Bukod kina Mega at Angelica, naging emosyonal din ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa nangyaring sakuna, nag-alala raw ito sa kanyang mga kababayan sa Cebu na tinamaan din ng lindol, lalo na sa kanyang lola.
Sey ni Kim sa kanyang Instagram post, “Saw these photos this morning.. Nakuyawan ko and called my lola dayon sa Cebu if she’s ok. Thank God ok raw siya pero nahadlok siya kasi kusog kuno kayo ang linog, first time daw niya to maexperience sa Cebu…
I pray for everyone’s safety sa Cebu. Pag amping mong tanan. #prayforcebu #prayforphilippines.” Samantala, mabilis ding nanawagan si Angel Locsin, isa sa mga aktibong miyembro ng Philippine Red Cross sa mga kapwa volunteers na makipag-coordinate agad sa kanila para sa gagawin nilang tulong sa mga nabiktima ng lindol, tweet ng aktres, “Calling All Available Volunteers: Please proceed to Cebu Chapter for mission briefing.”
Nanawagan naman ng taimtim na dasal ang Kapuso star na si Maxene Magalona para sa mga nabiktima ng lindol, “Waking up to devastating news is the worst. Praying for everyone’s safety in the affected areas of that nasty earthquake. #PrayForVisayas.”
( Photo credit to Google )