Tito Sotto inaming wala sa plano ang magpaalam sa TAPE, mga ads sa ‘Eat Bulaga’ nag-pull out na rin?

Tito Sotto inaming wala sa plano ang magpaalam sa TAPE, mga ads sa programa nag-pull out na rin?

WALA pala sa planong magpaalam sina dating senador Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa TAPE Inc. nitong Mayo 31 dahil nag-iisip pa sila at may meeting pang magaganap sa pagitan nila at ng management na pinamamahalaan ni Ginoong Romy Jalosjos, Jr bilang bagong CEO ng kumpanya na producer ng Eat Bulaga.

Pero dahil sinabihang hindi eere ng live ay nagkagulatan na.

Base sa panayam nina Julius Babao at Tintin Bersola-Babao sa One PH nitong Huwebes ng gabi nabanggit nga ni Tito sen ito.

“Ang bintang siguro akala nila gagamitin namin ang programa na doon kami magre-resign, e, nagdedesisyon palang kami (natawa). Pinabilis nila (TAPE management) ang desisyon!” bungad ng dating senador.

Naikuwento rin ni Tintin na ni-repost daw ni Maine Mendoza ang Facebook page ng TVJ na, “this is what happen before the decision na may behind the scenes po na kayo ay nagdarasal.”

“Oo nagdarasal kami para mabigyan kami ng guidance,” saad ni Tito sen.

Nabanggit pa na wala pang dalawang oras nang mamaalam silang nag-resign na sila sa TAPE ay tatlong network na kaagad ang kausap nila.

“Wala pang dalawang oras, tatlong istasyon ang kausap namin,” nakangiting sabi ni Tito sen.

Tanong ni Julius, “ano-ano ang magiging konsiderasyon ninyo Tito sen sa pagpili ng network?”

“Marami kaming pinag-uusapan pero malaking bagay siguro ‘yung marunong makisama. Kasi kami ni Tony Tuviera walang kontrata. E, itong mga bagong salta hindi ko alam kung paano makakarating sa ganu’ng usapan. Marunong makisama ‘yun ‘yung tinatawag na brotherly love at pag ganu’n madaling kausap,” esplika ni Tito sen.

Hindi naman sigurado pa kung babalik sa TVJ group si Ginoong Antonio P. Tuviera pagkatapos nitong mag-resign din sa TAPE sa bago nilang lilipatan.

 

Baka Bet Mo: Tito Sotto: Kami ang may-ari ng Eat Bulaga!

“Well, hindi ko pa siya nakakausap (dahil) nasa abroad pero he is 25% on the present date, we can only speculate if we ask him,” sagot nito.

Pero ang dabarkads ay makakasama raw ng TVJ 100% dahil nga sabay-sabay silang lahat nagpaalam din sa TAPE.

“’Yung dabarkads kasi gumawa ng statement courtesy letter na pinirmahan nilang lahat na sila ay humihiwalay na rin sa TAPE, Inc,” saad ni Tito Sen.

Iniisa-isa ang mga pangalan nina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryzza Mae Dizon, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, at Allan K.

“Si Allan umalis agad pero nu’ng nalaman niyang (detalyado tong ikinukuwento ko sa inyong lahat kaya exclusive ito) nagpipirmahan sina Maine ginawang sulat bumalik si Allan pumirma rin,” kuwento ni Tito sen.

At dahil bumitaw na ang TVJ sa TAPE, Inc ay may tumawag daw na taga ahensiya kay Tito sen para ibalitang maraming nag-pull out ng ads.

“Ngayon puwede na nilang sabihing nalulugi sila kasi kinagabihan may tumawag sa akin na kaibigan ko sa ad agency na marami raw nag-pull out na mga paparating na ads nila (TAPE, Inc), dami na raw nag pull out,” kuwento ng dating senador.

Klinaro rin ang tsikang sa NET25 lilipat ang TVJ dahil nga may malaking billboard dawn a nakalagay TVJ sa NET25.

“Para sa kanya-kanyang show ‘yun! Kasi si Joey ay kinuha ng NET 25 gumawa sila ng lock in show naalala mo ‘yung Wow Mali sa TV5 na wala na ngayon. May producer ang NET25 na gumawa ng parang ganu’n at concept ni Joey na Oh No, It’s BO or Biro Only.

“Si Vic naman inalok sina nina Pauleen and Tali, Bosleng and Talia ng programa. Tapos since nandoon na raw sina Joey at Vic bakit hindi na rin ako alukin for Public Affairs program suggestion ni Wilma Galvante na consultant ng NET25 na dating taga GMA pero retired na.

“In-offer na sa akin ang Reality Check, kaya kaming tatlo may kanya-kanyang programa. Kaya pag naga-out of the country at out of town ang NET25, iniimbita kaming tatlo, kasi ang NET25 nagpo-promote ng kanilang International (shows) parang TFC kaya merong billboard na ganu’n,” paliwanag ni Tito sen.

Dagdag pa, “iba ‘yung TVJ na Eat Bulaga.”

Inamin ding nag-uusap din sila ng NET25 para sa TVJ show na puwedeng lipatan ng Dabarkads.

“Kausap din namin as of yesterday umuusok mga telepono namin, kausap din namin ang Cignal, OnePH at saka TV5, saka ‘yung board ng channel 9, tinatanong kung iko-consider namin sila,” pagtatapat ni Tito sen.

At ang nagpapasaya sa TVJ ay pawang positibo lahat dahil suportado sila ng fans na kahit saan sila pumunta ay papanoorin sila.

“Nakakatuwa kasi narinig ko rin ‘yan sa mga kliyente sa mga advertisers. Hindi lang kuwento ha, may tumawag sa amin diretso na kung saan kami susuporta sila kaya ‘wag daw kaming tumigil kasi ang iniisip baka mag-retire kami,” sabi pa ni Tito Sen.

Related Chika:
Tito Sotto hindi iiwan si Mr. T, nakikipagdiskusyon pa nga ba sa bagong chairman ng TAPE Inc. para sa ‘Eat Bulaga’?

Tito Sotto ‘nanggigil’ nang sabihing hindi mabubuhay kung walang ‘Eat Bulaga’: TVJ na kami

Read more...