TikTok star Yukki Takahashi 3 beses nang nabigo sa pag-ibig, na-trauma na nga ba sa mga lalaki? | Bandera

TikTok star Yukki Takahashi 3 beses nang nabigo sa pag-ibig, na-trauma na nga ba sa mga lalaki?

Ervin Santiago |May 31,2023
facebook
share this

TikTok star Yukki Takahashi 3 beses nang nabigo sa pag-ibig, na-trauma na nga ba sa mga lalaki?

Ervin Santiago - May 31, 2023 - 07:15 AM

TikTok star Yukki Takahashi 3 beses nang nabigo sa pag-ibig, na-trauma na nga ba sa mga lalaki?

Yukii Takahashi at Wilbert Ross

NAKATATLONG boyfriend na ang aktres at TikTok star na si Yukii Takahashi kaya tatlong beses na rin siyang na-heartbroken.

Napapanood ngayon ang dalaga sa Kapamilya action-comedy series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Coco Martin kung saan katambal ang dating Hashtag member na si McCoy de Leon.

Siya rin ang bida sa digital series na “Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile” kasama ang isa rin ring ex-Hashtag member na si Wilbert Ross na napapanood ngayon sa Puregold YouTube channel.

Nakachikahan ng ilang members ng media si Yukii sa mediacon ng “Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile” last May 18 at dito nga natanong ang dalaga tungkol sa kanyang personal life, lalo’t mukhang single naman sila pareho ni Wilbert.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yukii Takahashi (@yukiiitakahashi)


“Work lang po talaga muna. Pero kahit bago pa lang po kaming magkakilala  talagang nagklik na kami, kaming lahat sa series, unexpected,” ani Yukii.

Dagdag ng social media influencer na may 8.7 million followers na sa Tiktok, “Same po kami ng mindset ni Wilbert na work na lang po muna, lalo na po ako ngayon. Kasi nag-i-start pa lang po ako. So, mas priority ko po talaga yung career ko other than anything else.”

Wala raw silang  kissing scene ni Wilbert sa 13-episode series ng “Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile”, “Hindi naman po kasi kailangan sa istorya. More on romcom po talaga kasi siya, e.”

Baka Bet Mo: Andrea ilang beses nang nagbalak mag-quit sa showbiz: Ang hirap-hirap, lalo na kung breadwinner ka

Pero kung sakaling bigyan siya ng eksena sa “Batang Quiapo” na may halikan kasama si McCoy, keribels ba niya? “Parang… if ever man po, tingnan po natin kung ano ang mangyayari sa istorya ng Batang Quiapo.”

Mukhang wala ring balak si Yukki na gumawa ng mga daring na pelikula sakaling kunin siya ng Vivamax, “Under na po ako ng Cornerstone. I’m happy with them.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yukii Takahashi (@yukiiitakahashi)


Samantala, natanong din si Yukii kung nagsusulat din siya ng kanta tulad ni Wilber, “Compose? No. Pero may nagawa ako na song pero hindi pa siya niri-release.

“I wrote it with someone else. Tulungan, tulungan. Kasi, parang hindi ko pa kaya yung magsulat talaga ng buong kanta,” ayon kay Yukii.

Sa tanong kulang pa ba siya sa experiences at heartaches para makapag-compose ng kanta, “Feeling ko po sa heartache, wala po akong masasabi diyan dahil marami po tayong pinagdaanan.”

“Marami po tayong suluk-sulok na nadaanan. Marami tayong hugot sa buhay kaya I really love doing crying scenes. Kasi I feel like it’s raw,” paliwanag ng dalaga.

Sey ni Yukki, madali raw siyang maiyak, Kasi it’s true, e. It’s really coming from my heart.”

Dahil sa tatlong beses na pagkabigo sa pag-ibig, kaya ba ayaw na muna niyang magkadyowa uli? “Kinda. Pero more on ako na lang muna. Parang mas kaya ko namang mahalin ang sarili ko.”

Yukii Takahashi, Wilbert Ross nagkadebelopan nga ba sa digital series na ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wilbert Ross, Yukii Takahashi bibida sa digital show na ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending