Eula Valdes sa pagsasanib-pwersa ng GMA at ABS-CBN: 'Feeling ko nawala yung bigat...sobrang nag-benefit ang mga artista' | Bandera

Eula Valdes sa pagsasanib-pwersa ng GMA at ABS-CBN: ‘Feeling ko nawala yung bigat…sobrang nag-benefit ang mga artista’

Ervin Santiago |May 31,2023
facebook
share this

Eula Valdes sa pagsasanib-pwersa ng GMA at ABS-CBN: ‘Feeling ko nawala yung bigat…sobrang nag-benefit ang mga artista’

Ervin Santiago - May 31, 2023 - 07:15 AM

Eula Valdes sa pagsasanib-pwersa ng GMA at ABS-CBN: 'Feeling ko nawala yung bigat...sobrang nag-benefit ang mga artista'

Eula Valdes

“FEELING ko na-experience ko ‘yung both worlds!” Yan ang bahagi ng naging pahayag ng seasoned actress na si Eula Valdes patungkol sa pagsasanib-pwersa sa telebisyon ng ABS-CBN at GMA 7.

Isa si Eula sa powerhouse cast ng unang collaboration project ng Kapamilya at Kapuso network, ang “Unbreak My Heart” na napapanood na ngayon sa GMA Telebabad. Bida rito sina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Gabbi Garcia at Richard Yap.

Siya ang gaganap na nanay ni Joshua sa naturang teleserye na magiging mahalaga rin ang koneksyon sa iba pang pangunahing karakter sa kuwento.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa naganap na grand mediacon para sa “Unbreak My Heart” last May 25, natanong si Eula kung ano ang pakiramdam na nakasama siya sa makasaysayang collaboration na ito ng GMA at ABS-CBN.

Sey ng premyadong aktres, parang nawala raw ang bigat ng nararamdaman niya noon kapag nagpapaalam siya sa TV network kung saan siya may alok na project.

Baka Bet Mo: Eula naranasan ang matinding init habang nakamotor; mas bumilib sa mga delivery rider

“Feeling ko is parang, kapag sa school ka ‘yung aabsent ka, ito may permiso na. Parang kunwari matatapos ako sa project sa ABS-CBN, magpapaalam ganu’n. Ngayon legal na.

“Feeling ko na-experience ko ‘yung both worlds. Sobrang nawalan ng bigat na baka magtampo sila kapag sa kabilang network. Nawala ‘yung bigat,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eulavaldes


Dagdag pang paliwanag ni Eula, “Sobrang nag-benefit ang mga artista. Blessed ako, itong lifetime na ito na-experience ko ang collab ng GMA at ABS, at ng Viu (Philippines).”

Kasama rin sa bonggang cast ng serye sina Laurice Guillen, Sunshine Cruz, Romnick Sarmenta, Victor Neri, Nikki Valdez, Will Ashley, Jeremiah Lisbo, Bianca De Vera, Dionne Monsanto, Maey Bautista, Philip Joshua Endrinal, Mark Rivera, at marami pang iba.

Napapanood ang “Unbreak My Heart” sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman sa oras na 11:25 p.m.

Eula pinayuhan si Jodi sa pagiging nanay: ‘Namnamin mo habang nandiyan pa sa ‘yo ang anak mo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Eula Valdes agaw-eksena sa presscon ng ‘Martyr or Murderer; Darryl Yap nakakaloka ang sagot tungkol kay Joel Lamangan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending