Lolito Go nakipag-usap na sa mga magulang ni Moira: 'Maraming bagay ang nalinaw, lumuwag ang mga puso namin...' | Bandera

Lolito Go nakipag-usap na sa mga magulang ni Moira: ‘Maraming bagay ang nalinaw, lumuwag ang mga puso namin…’

Ervin Santiago |May 31,2023
facebook
share this

Lolito Go nakipag-usap na sa mga magulang ni Moira: ‘Maraming bagay ang nalinaw, lumuwag ang mga puso namin…’

Ervin Santiago - May 31, 2023 - 12:19 AM

Lolito Go nakipag-usap na sa mga magulang ni Moira: 'Maraming bagay ang nalinaw, lumuwag ang mga puso namin...'

Moira dela Torre at Lolito Go

MATAPOS maglitanya si Lolito Go sa Facebook para sagutin ang pagtatanggol ni Racquel dela Torre sa kanyang anak na si Moira, nagkaroon din pala sila agad ng heart to heart talk.

Sa huling bahagi ng kanyang mahabang status sa FB, naglagay ng pahabol na mensahe ni Lolito kung saan kinumpirma niyang nagkausap na sila ng nanay ni Moira at ng tatay nitong si John.

Nagkaiyakan daw sila ng mga magulang ng Kapamilya singer-songwriter at nabigyang linaw din ang mga bagay-bagay na bumabalot sa kontrobersyang kanilang kinasasangkutan.

“Right after writing this (sagot sa pagtatanggol ni Gng. Racquel kay Moira), I had a heartfelt, tearful talk with Tita Raquel and Tito John.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Maraming bagay ang nalinaw. Lumuwag ang mga puso namin. Sana magpatuloy na lang yung ganitong peace.

“Nasabi ko na rin sa kanila ang mga bagay na hindi ko mabanggit sa social media. Moira’s parents are indeed people of God. God was in the middle of us during the talk,” pahayag ni Lolito.

Pero ipinagdiinan niya na maninindigan siya sa una niyang ipinost sa FB patungkol sa pagkakakilala niya kay Moira at sa ginawa niyang pagtatanggol sa estranged husband ng singer na si Jason Hernandez.

“Uulitin ko ang sinabi ko sa original post at paninindigan ko ito, we sometimes need dissonance to achieve harmony. We sometimes have to wage war to achieve peace.

“I needed to call out what needs to be called out. Sana matapos na ito dahil mga marites lang naman ang nag-eenjoy. We will settle things privately. At alam kong makakamove-on din tayong lahat,” ang pahayag pa ni Lolito.

Baka Bet Mo: Lolito Go nagmakaawa kay Moira nang magkasakit ang ama: Kahit piso ‘di siya nagbigay, hanggang sa namatay ang tatay ko, kahit pisong abuloy wala

Narito ang ilang bahagi ng naging sagot ng lyricist at composer sa pahayag ng nanay ni Moira.

“Hi Tita Raquel,

“1. You are insisting na mag-ghostwriter.”

“Hindi po insisting. Suggesting. There had been prior talks and I ‘might have’ initiated the idea of ghostwriting. Kasi nga po, hindi nya na ako nababayaran, hindi pa nakecredit. I only suggested that once. Then after a while, sya na itong nag-alok. Wala sya idea magkano iaalok sa akin. May tawarang naganap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“2. Sa issue ng pangungutang.
It breaks my heart na kelangan ko pa humiram sa kanya. Multiple times. Multiple times ding denied. There was only one instance na nagrant nya. When I was about to pay, she insisted na wag ko na bayaran.

“Tita Raquel, hindi nya po ako nabayaran sa song na Pahinga. She used that song sa Braver tour. Pati sa concerts abroad. Malaki kinita ng Patawad Album. Pero wala man lang binigay sa akin kahit yung tinatawag na mechanical royalty. Tapos co-composer na sya ng song just by tweaking a few lines.

“Kung gusto nya ako magshine or kung gusto nya ako tulungan, she could have given me proper credits. That it was my music and my lyrics at additional lyrics lang ang kanya. Sobrang dami ko pa po ipopost na resibo. I gave you a chance sa private message para sana ihold back ko na. Pero ayaw nyo po ako sagutin.

“Nu’ng nagmakaawa rin ako sa kanya dahil nakaratay ang tatay ko, kahit piso di sya nagbigay. Hanggang sa namatay ang tatay ko, kahit pisong abuloy wala. Marami raw kasi syang gastos. Pero lakas ng loob nyang tawagin akong friend, kakampi. Then sa testi ng ibang friends, generous naman sya and she gives proper credits.

“3. Kahit umabot po sa demandahan, mapaninindigan ko ang laban na to.

“May pattern of lying po ang anak nyo, sorry. At alam kong bilang magulang alam nyo rin yan. I gave you a chance na manahimik na lang sana ako. Sorry po. Alam ng asawa ko na iniiyakan ko yung thought na masasaktan ko kayo ni Tito John. Kasi napakabuti nyo pong mga tao. I swear to God umiiyak ako ngayon,” pagbabahagi pa ni Lolito Go.

Nanay ni Moira ipinagtanggol ang anak, Lolito Go hindi nagpasindak: ‘Kahit umabot po sa demandahan, mapaninindigan ko ang laban na to!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Moira dumepensa sa mga akusasyon ni Lolito Go: I did not cheat on Jason…I have never employed a ghostwriter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending