JAMES YAP pakakasalan na ang dyowang ITALIAN sa 2014


Kalat na kalat na sa mga social media ang balitang nag-propose na raw si James Yap sa Italian girlfriend nitong si Michaella Cazzola, isang bank employee.

Ayon sa sitsit, baka raw ikasal na ang basketball player sa kanyang dyowang foreigner next year, pero wala pa raw itong eksaktong petsa. Malamang daw na dito sa Pilipinas gawin ang kasalan.

Dumating si Michaella sa bansa nitong nakaraang weekend para panooring maglaro ang kanyang boyfriend sa PBA Governors Cup Finals.

Nabasa namin sa isang website na sinagot ni Michaella si James noong September, this is contrary to reports na naging magdyowa ang dalawa noon pang Agosto.

Sincere, honest, caring at thoughtful ang ilan sa mga nabanggit ng Italyanang bank employee kung bakit niya nagustuhan ang ex-husband ni Kris Aquino.

( Photo credit to Google )

Read more...