Sino nga ba ang tunay na winner sa historic collab ng GMA at ABS-CBN?

Sino nga ba ang tunay na winner sa historic collab ng GMA at ABS-CBN?

Gabbi Garcia, Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia

ANG mga manonood ang tunay na winner sa historic collaboration ng dating magkalaban at nag-uumpugang network na GMA 7 at ABS-CBN.

Yan ang pahayag nina Jodi Sta. Maria at Gabbi Garcia nang matanong tungkol sa unang project ng Kapamilya at Kapuso network kasama ang Viu — ang upcoming primetime series na “Unbreak My Heart.”

Makakasama rin nina Jodi at Gabbi sa nasabing serye sina Richard Yap at Joshua Garcia, mula sa direksyon nina Dolly Dulu at Manny Palo.


“It’s the end of rivalry, really. I mean, now we can share artists and talents, and everyone is just given the opportunity to work,”

“It really opened more job opportunities for this industry that we have grown to love,” ang pahayag ni Jodi sa naganap na mediacon ng “Unbreak My Heart” nitong nagdaang Huwebes.

Baka Bet Mo: Joshua Garcia, Gabbi Garcia magtatambal daw sa bonggang collab ng ABS-CBN at GMA 7

Dagdag pa ng aktres, “Bukod din po sa aming mga artista and tao na parte ng industriya, siyempre ang pinakamagbe-benefit sa napakagandang partnership na ‘to ay ang ating mga manonood.”

Para naman kay Gabbi, “It’s a big, big collaboration, and may it open more doors in the industry.”

Dagdag pa niya, sana’y mas marami pang maging joint projects ang GMA at ABS-CBN in the future para mas marami pang mabigyan ng trabaho sa entertainment industry.


Para naman sa actress-director na si Laurice Guillen, na may napakahalagang papel din sa serye, may strong impact ang biggest collaboration ng GMA at ABS-CBN.

“One of the advantages, they can cast anybody they want to cast. May freedom to cast.

“As an actress, nag-enjoy ako, especially because I got to work with people I know and to new…when we were abroad we got the chance to exchange ideas,” aniya.

Mapapanood na ang “Unbreak My Heart” simula sa May 29 sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies channel, 9:35 p.m. at 11:25 p.m. sa GTV.

The series will also be available on GMA Pinoy TV and TFC. Advanced screening is on May 27 at 9 p.m. on GMANetwork.com, iWantTFC and Viu.

Dennis, Julie Anne, Barbie bibida sa historical portal-fantasy na ‘Maria Clara at Ibarra’; Jo Berry pa-cute na kontrabida

Imee Marcos nangakong walang ‘historical revisionism’ na magaganap sa ‘Maid In Malacañang’ ni Darryl Yap

Read more...