Chynna Ortaleza ibinandera ang approved US Visa, inaming na-deny sa unang subok: ‘Yung kaba ko iba!

Chynna Ortaleza ibinandera ang approved US Visa, inaming na-deny sa unang subok: ‘Yung kaba ko iba!

PHOTO: Instagram/@chynsortaleza

TILA naka-relate ang ilang netizens sa naging karanasan ng aktres na si Chynna Ortaleza sa pagkuha ng US Visa.

Proud na ibinalita ni Chynna na naaprubahan na ang kanyang aplikasyon matapos ang dalawang beses na pag-apply.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ng aktres ang litrato ng nakuha niyang visa at naikuwento pa na nakaranasan siya ng “rejection” sa unang beses ng pagkuha nito.

Dahil daw sa nangyari ay umabot ng sampung taon upang subukang mag-apply.

“Like many of you I was denied a tourist visa on my first try. It took me a decade to muster up the courage to try again. Medyo matagal ako mag recover from rejection. (Not Char!) [laughing emoji],” chika niya sa IG post.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo nabili ang sariling bahay sa Spain sa halagang P30-M; nagetsing na ang Golden Visa

Sey pa niya, “Pero I also do not like giving up. This time nag pay off! Thank you Lord.”

Nabanggit pa niya na kinabahan siya sa pagpunta sa embahada dahil sa naging resulta noon.

“‘Yung kaba ko going to the US Embassy iba this time kasi nga may denial na ako before,” caption niya.

Dagadag pa niya, “However, the main difference now is that I was able to prepare more and also did mock interviews with Miss Jam. She really helped prepare me for my appointment date [red heart emoji].”

Inihayag din ng aktres ang kanyang excitement dahil bukod sa mabibisita na niya sa Amerika ang kanyang pamilya ay mapupuntahan din niya ang isa sa American bookseller shop.

“I will finally be able to spend a day at @barnesandnoble in one of our future trips. I will also get to see our family too,” aniya.

Maraming kapwa-celebrities naman ang natuwa sa good news ni Chynna at ilan lamang sa mga nag-comment ay sina Diana Zubiri, Jay R, pati narin ang kanyang mister na si Kean Cipriano.

“Same here! Na-deny din ako first time! Hanap lang talaga ng courage at perfect timing [smiling face with heart eyes emoji],” sey ni Diana.

Saad naman ni Jay R, “Yiiiiiiii!!!! Congrats [clapping hands emojis].”

Related Chika:

Neri Miranda handa nang sumabak sa kanyang graduate school journey: Good luck sa akin kung kakayanin ko ang masteral!

Read more...