Jolina Magdangal may espesyal na birthday greeting kay Darren Espanto, pinabulaan ang mga 'chika' ukol sa singer | Bandera

Jolina Magdangal may espesyal na birthday greeting kay Darren Espanto, pinabulaan ang mga ‘chika’ ukol sa singer

Therese Arceo |May 24,2023
facebook
share this

Jolina Magdangal may espesyal na birthday greeting kay Darren Espanto, pinabulaan ang mga ‘chika’ ukol sa singer

Therese Arceo - May 24, 2023 - 08:37 PM

Jolina Magdangal may espesyal na birthday greeting kay Darren Espanto, pinabulaan ang mga 'chika' ukol sa singer
ISA ang TV host-actress at singer na si Jolina Magdangal sa nagpaabot ng pagbati sa Kapamilya singer na si Darren Espanto.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang stolen shot na kuha nila habang nakaupo sila sa stage.

Makikita sa larawan na tila nakatitig si Darren kay Jolina habang tila abala ang lahat sa stage na nagre-rehearse.

Kwelang sabi ng “Magandang Buhay” host, gandang ganda raw sa kanya ang binata pero noong gumalaw na siya ay talagang nakatulala pala ito dahil inaantok na.

Sa kalakip na caption ay naroon ang birthday greeting ni Jolina sa binata.

“Si Darren? Mayabang! Di marunong gumalang! Galing na galing sa sarili!” umpisa niya na tila pasaring ukol sa mga negatibong komento na ibinabato laban sa binata.

Baka Bet Mo: Jolina Magdangal inamin ang naging issue sa kanila nina Rica Peralejo at Roselle Nava: Close talaga kaming tatlo, tapos…

“Lahat yan ay hindi totoo nung una kong makasama ng matagal sa Asap Canada ang poging ito,” pagpapatuloy pa niya.

Jolina IG

Sey pa ni Jolina, “.Isa sya sa mga mababait, sweet, humble, gentleman at masarap kakwentuhan na nakilala ko sa industriyang ito.

“Happy birthday Darren!!!!! Stay that way. You are so blessed.”

Marami naman ang naaliw sa kwelang birthday greeting ni Jolina sa binata.

Comment nga ni Darren, “HAHAHA THANK YOU PO.”

“Fan ka rin pala ni @darrenespanto kaya hindi mo talaga nakalimutang birthday niya ngayon. Happy birthday, Darren!!!!” sey naman ng isang netizen.

Hirit pa ng isa, “Dunno why people say that to him, when I didn’t even saw it in him from the first place. Saw him on Market Market and from TV, I can see he’s a good person.”

Related Chika:
Jolina hindi kailanman naisip talikuran ang pagiging Kapamilya… kahit sarado na ang ABS-CBN

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jolina Magdangal 32 years na sa showbiz, hiyang-hiya pa rin kapag tinatawag na ’90s icon’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending