Joshua Garcia puring-puri ng volleyball player na si Aby Maraño: 'Napakabait niya!' | Bandera

Joshua Garcia puring-puri ng volleyball player na si Aby Maraño: ‘Napakabait niya!’

Therese Arceo |May 24,2023
facebook
share this

Joshua Garcia puring-puri ng volleyball player na si Aby Maraño: ‘Napakabait niya!’

Therese Arceo - May 24, 2023 - 06:38 PM

 Joshua Garcia puring-puri ng volleyball player na si Aby Maraño: Napakabait niya!
HINDI napigilan ng sikat na volleyball player na si Aby Maraño ang mag-fan girl matapos nitong makita ang Kapamilya star na si Joshua Garcia.

Sa kanyang Instagram page ay ibinandera ni Aby ang kanilang larawan together kalakip ang kwento sa likod ng kanilang encounter.

“Asked him if okay lang magpapicture, he was quick to respond na ‘okay lang idol’,” pagbabahagi ng volleyball player kung paano sila nagkaroon ng picture ni Joshua.

Kwento pa ni Aby, matapos ang kanilang picture taking ay may itinanong raw sa kanya ang binata at nagchikahan at nag-ala “Marites” sila nang very light.

Dagdag pa niya, parang talagang matagal na silang magkaibigan ni Joshua sa sandali ng kanilang pag-uusap.

Bukod pa rito, talagang pinuri ni Aby ang Kapamilya actor dahil sa pakikitungo nito sa mga fans.

Baka Bet Mo: Joshua Garcia certified ‘higop king’, Jodi Sta. Maria hindi nakaligtas

Aniya, “if [you] are rooting for this guy nako hindi kayo nagkakamali — pakabait niya.”

Marami naman sa mga fans ang talagang sumang-ayon sa ibinahaging kwento ni Aby base sa mga comment section ng kanyang post.

“Tyang it looks like si Joshua pa nga ang nag ask n papic sayo,” saad ng isang netizen.

Hirit naman ng isa, “Super gwapo mo na nga @garciajoshuae napaka humble na tao pa.”

“Omg tyang ..joshua garcia ang bait niya talaga,” sey ng isang netizen.

Hirit pa ng isa, “Super mabait yung idol namin kaya nga hindi kami nagkamali pumili ng isang idol kasi napakabait yan (three red heart emojis). Miss you so much idol ko @garciajoshuae.”

Related Chika:
Fans nagtilian nang mag-topless si Joshua Garcia sa ‘Mga Kaibigan ni Mama Susan’, tagumpay sa pananakot sa bagong obra ni Chito Roño

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#MayPila: Barbie Forteza ‘willing to wait’ matupad lang ang wish na makatrabaho si Joshua Garcia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending