Coco trending sa socmed matapos aminin ang relasyon kay Julia, sey ng netizens: 'Is Coco a groomer?' | Bandera

Coco trending sa socmed matapos aminin ang relasyon kay Julia, sey ng netizens: ‘Is Coco a groomer?’

Therese Arceo |May 24,2023
facebook
share this

Coco trending sa socmed matapos aminin ang relasyon kay Julia, sey ng netizens: ‘Is Coco a groomer?’

Therese Arceo - May 24, 2023 - 03:58 PM

Coco trending sa socmed matapos aminin ang relasyon kay Julia, sey ng netizens: 'Is Coco a groomer?'

MUKHANG hindi na nagulat ang madlang pipol matapos aminin ng Kapamilya stars na sina Julia Montes at Coco Martin ang kanilang relasyon.

Talagang aware na ang publiko na may namamagitan sa dalawa noon pa man kaya nga tila hindi na big deal sa iba ang naging kumpirmasyon ng dalawa.

Ngunit ang talagang bumagabag sa madlang netizens ay ang naging pahayag ni Coco hinggil sa kanilang relasyon sa exclusive interview nito na ipinalabas sa “TV Patrol”.

“Napakasarap ng pakiramdam namin kasi eto, 12 years na kaming magkasama pero pareho pa rin ng gaya ng dati,” lahad ng aktor.

“Nilo-look forward namin ‘pag may project na magkasama kami and then pag may pagkakataon, nakakalabas kami, nakikita kami ng mga tao, pero name-maintain namin ‘yung privacy sa buhay namin,” sey pa ni Coco.

Kaya naman agad na napa-follow up question si MJ Felipe at tinanong kung 2011 ba ang anniversary nila.

Sagot ni Coco, “Galing ah!”

Natatawang hirit naman ni Julia, “Kasi nagsabi ka na eh!”

Baka Bet Mo: Coco, Julia umaming matagal nang magdyowa: ‘Napakasarap ng pakiramdam dahil 12 years na kaming magkasama’

At dahil nga rito ay marami ang nag-react at napa-“do the math” kung ano ang edad ng dalawa nang magsimula ang kanilang relasyon.

Sa ngayon kasi ay 28 years old na si Julia habang 41 years old naman si Coco.

Marami sa mga netizens ang napataas ang kilay dahil ibig sabihin, 16 years old lang si Julia nang magsimula ang relasyon nila ng Kapamilya actor.

“Julia is 28 years old. Coco Martin is 41 years old. They have been in a relationship for 12 years now. 12 years ago, Julia is 16 years old. Coco was 29. Is Coco a groomer?” pag-aanalisa ng isang netizen.

Chika naman ng isa, “the named coco martin alongside the word groomer should be on top trend list.”

“Kung 12 years ng magkarelasyon si Julia Montes at Coco Martin then he is a GROOMER. Julia was 16 in 2011. Nakakakilabot that people see this as romantic,” hirit naman ng isa.

Naglabas naman ang Dreamscape Entertainment ng kanilang pahayag at nilinaw na ang ibig sabihin ng “FPJ’s Batang Quiapo” lead star ay “12 working relationship.”

“To set the record straight, it’s a 12-year working relationship,” sey nito sa isyu ngayon ni Coco na makikita sa kanilang Instsgram story.

Ngunit kahit ano pa raw ang sabihin ay hindi matatago ang katotohanan na bata pa lang si Julia ay gumagawa na raw ng move ang aktor base sa past statements nito sa kanyang mga interviews.

Wala pa namang pahayag ang kampo ni Coco at Julia hinggil sa mga komento ng netizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang unang nagkasama ang dalawa sa Kapamilya TV series na “Walang Hanggan” at naging magka-love team sa pelikulang “A Moment In Time” noong 2013.

Related Chika:
Matapos umaming 12 years nang magkasama…Coco, Julia hiniritan ng netizens ng ‘baby reveal naman d’yan!’

Coco Martin, Julia Montes sweet na sweet sa dinaluhang birthday party; matagal na nga bang kasal?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending