Matapos umaming 12 years nang magkasama...Coco, Julia hiniritan ng netizens ng 'baby reveal naman d'yan!' | Bandera

Matapos umaming 12 years nang magkasama…Coco, Julia hiniritan ng netizens ng ‘baby reveal naman d’yan!’

Ervin Santiago |May 24,2023
facebook
share this

Matapos umaming 12 years nang magkasama…Coco, Julia hiniritan ng netizens ng ‘baby reveal naman d’yan!’

Ervin Santiago - May 24, 2023 - 12:30 PM

Matapos umaming 12 years nang magkasama...Coco, Julia hiniritan ng netizens ng 'baby reveal naman d'yan!'

Julia Montes at Coco Martin

HUMIRIT na naman nang bonggang-bongga ang mga Marites all over the universe!

Pagkatapos ngang umamin sina Julia Montes at Coco Martin na 12 years na silang “magkasama” ay kanya-kanya nang eksena at paandar ang mga netizens sa social media.

Hot topic ngayon ang mga naging rebelasyon ng celebrity couple tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Actually, matagal nang hinihintay ng madlang pipol ang pag-amin ng dalawa pero parang knows na naman ng lahat kung ano ang totoo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Komento nga ng ilang nakapanood at nakabasa sa panayam ni MJ Felipe kina Coco at Julia para sa “TV Patrol” na ipinalabas kagabi, “akailangan pa bang i-memorize yan!?”

Ayon kay Coco, “Napakasarap ng pakiramdam namin dahil 12 years na kaming magkasama, pero pareho pa rin tulad ng dati.

Baka Bet Mo: Jessy Mendiola sa mga ‘atat’ sa face reveal ni Baby Peanut: Let us enjoy our own little world with our baby muna

“Nilu-look forward namin kapag may project na magkasama kami and then kapag may pagkakataon, nakakalabas kami, nakikita kami ng mga tao pero name-maintain namin ang privacy sa buhay namin.

“Basta kami, hindi naman na kaming mga bata. Kung ano ‘yung nakikita at iniisip ng mga tao, ‘yun na ‘yun. Mas masarap ‘yung pakiramdam na pribado ang buhay namin, tahimik. Walang mga issue. Ito, masaya kami,” ang pahayag pa ng “Batang Quiapo” lead star.

Kasunod nito, umariba na naman ang makakating dila ng mga Marites sa socmed. Panunukso nila kina Coco at Julia, kailan naman daw kaya sila magsasalita tungkol sa matagal na ring chika na may anak na rin daw sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


Tanong ng mga netizens, ngayong alam na ng madlang pipol ang tungkol sa mahigit isang dekada na nilang relasyon, kailan naman daw ang “baby reveal”?

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa rebelasyon nina Coco at Julia, kabilang na ang mga comments ng BANDERA readers.

“Why hide? They are public property, ang masa ang naglagay sa kanila sa kinaroroonan nila. Natatakot ba sila na baka maapektuhan career nila? From some reliable sources they have 2 kids already.”

“We respect your privacy. We are happy for you!”

“Yung baby kelan kaya aaminin?”

“Sunod na reveal ang baby…”

“After 12 years po ulit ang baby reveal…”

“Yung anak ninyo ang gusto naming makita. share nyo na pls.”

“Totoo yata yung may anak na sila.”

“Nagkagulahan na dito ahhahhahaaaaha anak daw revealed hindi jowa2. giatay mag revealed pang nalalaman mga matanda na jowa2x hahhahhahaha anak na revealed hahaha.”

“Wala na kayong pakialam as long as di naman tumutol ang family ni julia ok na.. and besides dapat di natin sila hinuhusgahan tao din sila kaya lang nauungkat mga ganyan kasi artista sila pero sana wag tayo below the belt.. mga tao din yan at may pakiramdam. basta masaya sila wala na tayong magagawa kundi tangkilikin mga palabas nila kasi magagaling na mga artista sila.. ayun lang dapat.. wala ng bad comment pa buhay nila yan ee.. trabaho lang nila artista pero wala tayong karapatang husgahan silang dalawa.”

Jake Cuenca, Kylie Verzosa hiwalay na raw, totoo nga kayang dahil sa sobrang selosan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angeline sinorpresa ni Vice sa gender reveal party, lalaki ang 1st baby: Sa ngayon pa lang iyan, boy…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending