Anak nina Korina at Mar na si Pepe nagpasabog ng good vibes sa pagsasayaw ng 'Maglalatik', Karen napa-comment nang bongga | Bandera

Anak nina Korina at Mar na si Pepe nagpasabog ng good vibes sa pagsasayaw ng ‘Maglalatik’, Karen napa-comment nang bongga

Ervin Santiago |May 24,2023
facebook
share this

Anak nina Korina at Mar na si Pepe nagpasabog ng good vibes sa pagsasayaw ng ‘Maglalatik’, Karen napa-comment nang bongga

Ervin Santiago - May 24, 2023 - 07:53 AM

Anak nina Korina at Mar na si Pepe nagpasabog ng good vibes sa pagsasayaw ng 'Maglalatik', Karen napa-comment nang bongga

Korina Sanchez, Mar Roxas, Pepe at Pilar Roxas

NAGPASABOG na naman ng good vibes sa social media ang isa sa kambal na anak nina Korina Sanchez at Mar Roxas na si Pepe.

Aliw na aliw ang mga netizens sa bagong video na ibinahagi ng veteran broadcaster at news anchor sa kanyang Instagram account kung saan makikita si Pepe na humahataw sa pagsasayaw.

Makikita ang bagets na game na game na nagsasayaw ng traditional Filipino dance na “Maglalatik” na pinaniniwalaang isang presentation sa kanilang school.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina)


In fairness, bumuhos ang magaganda at positibong komento mula sa mga tagasuporta ni Korina. Tuwang-tuwa sila sa kakyutan at kabibuhan ni Pepe.

Hirit ni Korina sa kanyang caption, “Andami kong tawa dito. ‘Mama! It’s called maglalatik dance!’ Hahahaha!

Baka Bet Mo: Korina sa pagiging tatay ni Mar sa kambal nilang anak: This is now his happiest and most important position to date

“Hay tisoy na ilonggong maglalatik. #TeamPepe,” sabi pa ng broadcast journalist sa caption ng kanyang short video clip.

Comment ni Karen Davila, “He is soooooo adorable!”

“KYOOOOOT,” ang hirit naman ng TV host-actor na si Tim Yap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina)


Narito pa ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon ng mga netizens na tila na-shock pa sa mabilis na paglaki ng 3-years-old na si Pepe.

“How adorable Pepe!!! For sure superstar to paglaki!”

“Omg! sooo cute!”

“It’s very nice to see that you are also enjoying the proud and funny moments that you witness as a Mom. Its one of the best moments of our lives as a Mommy.”

Matatandaang dumating sa buhay ng mag-asawang Korina at dating senador na Mar Roxas sina Pepe at Pilar noong 2019 sa pamamagitan ng gestational surrogacy na ginawa pa sa Amerika.

Derek, Ellen muling nagpasabog ng kilig sa prenup video; naghalikan sa tuktok ng bundok

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Korina kinarir ang superhero-themed birthday party nina Pepe & Pilar: Puro matatanda ang nasa guest list

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending