Xian Lim nagpaalam na sa mga fans ng 'Hearts On Ice:' 'Hindi siya madali! Isa po ito sa pinakamahirap na ginawa ko!' | Bandera

Xian Lim nagpaalam na sa mga fans ng ‘Hearts On Ice:’ ‘Hindi siya madali! Isa po ito sa pinakamahirap na ginawa ko!’

Ervin Santiago |May 24,2023
facebook
share this

Xian Lim nagpaalam na sa mga fans ng ‘Hearts On Ice:’ ‘Hindi siya madali! Isa po ito sa pinakamahirap na ginawa ko!’

Ervin Santiago - May 24, 2023 - 07:51 AM

Xian Lim nagpaalam na sa mga fans ng 'Hearts On Ice:' 'Hindi siya madali! Isa po ito sa pinakamahirap na ginawa ko!'

Ashley Ortega at Xian Lim

IT’S a wrap para sa cast ng high-rating GMA primetime series na “Hearts On Ice” matapos ang kanilang huling taping noong Lunes, May 22.

Kasabay nito, nag-post sa Instagram ang isa sa mga bida ng serye na si Xian Lim ng kanyang farewell message para sa co-stars at loyal viewers.

Ibinahagi rin ni Xian ang sweet moments nila ng kanyang leading lady na si Ashley Ortega na gumaganap sa serye bilang Ponggay.

Ayon kay Xian, hindi naging madali pero very thankful siya sa proyektong ito. Matatandaang ilang buwang nag-training ng figure skating at ice hockey si Xian para sa “Hearts On Ice.”

“I’m truly grateful sa GMA for giving me this opportunity. I learned a whole lot from this project. This was not an easy show to make.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexander Xian Lim Uy (@xianlimm)


“It was one of the hardest I’ve ever done, but it was one of the most satisfying. I am truly honored and proud to be surrounded by passionate individuals! Salamat sa lahat ng nagmahal sa character ni Enzo,” pahayag pa ni Xian.

Marami naman ang nalulungkot sa nalalapit na pagtatapos ng serye. Komento ng isang fan sa GMA Drama Facebook page, “I’m going to miss Enzo and Ponggay.”

Baka Bet Mo: Ruru Madrid, Dakila marami pang pasabog, pasorpresa sa ‘Lolong’; audition para sa ‘The Clash’ season 5 umariba na

“This is a morale booster to everyone who wants to succeed in their chosen career. I love this show! Nakakabitin naman, sana magka-season 2! Kudos to the whole team!” ang sabi ng isa pang netizen.

Subaybayan ang huling apat na linggo ng “Hearts On Ice,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 8:50 p.m. sa GMA Telebabad!

* * *

Nalalapit na ang ultimate bakbakan ng Final 4 Clashers sa high-rating reality talent competition ng GMA na “The Clash 2023!”

This Sunday, May 28, magtatagisan ng galing sa pagkanta sina Feisty Diva Arabelle dela Cruz, Baby Girl Biritera Liana Castillo, Sexy Songstress Mariel Reyes, at Simpatikong Bokalista Rex Baculfo.

Sino kaya sa kanila ang tatanghaling “The Clash” Grand Champion?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by The Clash (@theclashgma)


Abangan ang matinding pasiklaban sa Clash Arena kasama ang Clash Panel na sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas.

May bonus pang pakilig kasama ang #JulieVer at Clash Masters na sina Total Heartthrob Rayver Cruz at Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.

Tutukan ang grand finals ng “The Clash 2023,” this Sunday at 7:50 p.m. on GMA Network.

Rica Peralejo nagbago ang ‘goals’ sa buhay dahil sa 2022 elections

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ai Ai, Gerald tuloy na ang pagtira sa US; balak ding magbuntis sa pamamagitan ng surrogacy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending