Sen. Chiz pasok na pasok na sa makulay na mundo ni Heart: 'Appreciate you learning about the things I love' | Bandera

Sen. Chiz pasok na pasok na sa makulay na mundo ni Heart: ‘Appreciate you learning about the things I love’

Ervin Santiago |May 24,2023
facebook
share this

Sen. Chiz pasok na pasok na sa makulay na mundo ni Heart: ‘Appreciate you learning about the things I love’

Ervin Santiago - May 24, 2023 - 07:51 AM

Sen. Chiz pasok na pasok na sa makulay na mundo ni Heart: 'Appreciate you learning about the things I love'

Chiz Escudero at Heart Evangelista

SUPER thankful ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista sa kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero dahil sa all-out support na ibinibigay nito sa kanya.

In fairness, bihirang-bihirang magbigay ng appreciation post sa social media ang aktres para kay Sen. Chiz kaya naman umani ito ng bonggang-bonggang reaksyon mula sa mga netizens.

This time, feeling thankful and grateful si Heart sa senador dahil sa effort nito na pasukin at mag-immerse sa ginagalawan niyang mundo — ang showbiz at ang fashion world.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Kapuso star ng ilang litrato nila ng senador suot ang iba’t ibang OOTDS mula sa pagrampa nila sa mga tourist destination sa Europe.

“Appreciate you learning about the things I love,” ang maikling caption ni Heart sa kanyang IG post kung saan mowdel na mowdel ang datingan ni Sen. Chiz.

Baka Bet Mo: Kim Chiu maraming natutunan sa nagdaang 2022: ‘Thankful for just being ALIVE and experiencing all these beautiful moments’

Mukhang enjoy na enjoy naman ang senador sa pagsama-sama sa mga fashion trips and travel ng kanyang asawa sa ibang bansa base na rin sa mga photos and videos nila sa social media.

Noong nagdaang taon, nabalitang naghiwalay na ang celebrity couple dahil hindi na nagpo-post si Heart ng mga litrato nila ni Chiz together, idagdag pa ang mga hugot post ng aktres sa socmed tungkol sa relationship issues.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Walang nagkumpirma o nagdenay kina Heart at Chiz kung totoong hiwalay na sila kaya puro haka-haka at espekulasyon lamang ang naglabasan noong kasagsagan ng kanilang issue.

May mga kumalat pa nga na may other woman daw si Sen. Chiz kaya naghiwalay sila nila Heart at nag-alsa balutan patungong Paris kung saan siya nakabili ng apartment. Bukod dito, nadamay pa sa tsismis ang isang staff ng senador.

Pero bago magpaalam ang 2022, mismong New Year’s Eve bumati si Heart sa kanyang mga social media followers kalakip ang family picture nila kasama si Sen. Chiz at ang dalawang anak nito.

Pacman suportado ang showbiz career ng 2 anak: Never kaming tumutol sa mga pangarap nila

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dennis ‘nangumpisal’ kay Julia: Walang kasalanan ang nanay mo, kasalanan ko ‘yun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending