Teresa Loyzaga emosyonal sa birthday message kay Diego: 'Be kind, I'm so proud of you! I love you!' | Bandera

Teresa Loyzaga emosyonal sa birthday message kay Diego: ‘Be kind, I’m so proud of you! I love you!’

Alex Brosas |May 24,2023
facebook
share this

Teresa Loyzaga emosyonal sa birthday message kay Diego: ‘Be kind, I’m so proud of you! I love you!’

Alex Brosas - May 24, 2023 - 07:51 AM

Teresa Loyzaga emosyonal sa birthday message kay Diego: 'Be kind, I'm so proud of you! Happy Birthday my son, I love you!'

Diego Loyzaga at Teresa Loyzaga

EMOSYONAL ang veteran actress na si Teresa Loyzaga sa kanyang birthday greeting para sa anak na si Diego Loyzaga.

Hindi raw siya makapaniwala na ang dati niyang baby boy na dinala niya sa kanyang sinapupunan ng siyam na buwan ay mas malaki pa sa kanya ngayon at may sarili na ring buhay.

Nag-share si Teresa, na huling napanood sa Kapuso afternoon series na “Return To Paradise” sa kanyang Instagram account ng mga throwback photos ng kanyang binatang anak.

Sa kanyang caption, sinabi ng nanay ng hunk actor na napakabilis talaga ng paglipas ng panahon dahil parang kailan lang yung araw (May 21) na isinilang niya ang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego 🪬 (@diegoloyzaga)


“Is this the little boy I carried. Is this the little boy at play? I don’t remember growing older. When did they? Quickly flew the years indeed,” ang bahagi ng caption ni Teresa sa kanyang IG post.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “My second boy. My son, Diego. I wish for you only good things. Today, being your Birthday, appreciate even more all the blessings around you.

Baka Bet Mo: Barbie Imperial umasa nga bang magkakabalikan pa sila ni Diego Loyzaga?

“The World has so much to give. Remember to always be grateful. Be patient. Be kind. I am so proud of you. Happy Birthday my Son. I Love you,” ang pagbati pa ni Teresa sa 28th birthday ni Diego na anak niya sa award-winning actor na si Cesar Montano.

Sa comments section ng IG post ni Teresa binati rin ni Sunshine Cruz si Diego. Kapatid sa ama ng aktor ang mga anak ni Shine na sina Sam, Angelina, at Chesca.

Nanay ni Diego nag-react sa mga tsismis kay AJ: May anak o wala, she’s a woman…ako po nanganak, naging single mom

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Diego nilinaw ang estado ng relasyon ng mga magulang na sina Cesar at Teresa: Hindi naman sila magkaaway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending