PITO ang naitalang sugatan matapos kainin ng apoy ang building ng Manila Central Post Office.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), kabilang sa mga nasaktan ang limang bumbero, isang volunteer at isang sibilyan.
Sa naunang report, kinilala ang volunteer bilang si Toto Roslin, ang 43-year-old na nagtamo ng “minor cut” sa kanyang kanang kamay.
Sinabi din ng BFP na tinatayang aabot sa halos P300 million ang halaga ng mga naging pinsala dahil sa nangyari.
Ang good news lamang ay walang nasawi sa insidente.
Baka Bet Mo: BSP nagbabala sa modus na ‘sangla-ATM’, mga mga cardholder posibleng maloko sa ‘withdrawal’
Magugunitang idineklarang nasa unang alarma ang nangyaring sunog nitong Linggo, May 21, 11:41 p.m.
Pero nagpatuloy ang paglaki ng apoy na kung saan ay umabot na ito ng pinakamataas na alarma kaninang madaling araw (May 22), 5:54 a.m.
Bandang 7:22 a.m. na lamang nang makontrol ng mga bumbero ang apoy at tuluyan itong naapula.
Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog sa nasabing post office sa Maynila.
Ayon kay Manila Public Information Officer Princess Abante, bumisita na si Mayor Honey Lacuna-Pangan sa lugar at nangako itong magbibigay ng tulong.
“The details of assistance will be discussed later on with the national government,” sey ni Abante sa isang pahayag.
Taong 2018 nang idineklarang “Important Cultural Property” ng National Museum ang Manila Central Post Office.
Ito ay dinisenyo ng Filipino architects na sina Juan Arellano at Tomas Mapua.
Ang nabanggit na building ay unang nasira noong World War II at muling itinayo noong 1946.
Read more:7 pulis patay, 22 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Misamis Oriental